Sabi ng stepdaughter ko mama pwede nyu po ba ako ipaglaban sa mami ko 😭😢
Isa po akong stepmother ng isang illegitimate child na humihingi sainyo ng advise dahil kahit ako nahihirapan sa nakikita ko sa anak ko. Inalagaan ng asawa ko ang anak nya sa una nyang asawa dahil sila ay nag hiwalay.. Maayos kami nakikipag komunikasyon sakanya para sa anak nila at gusto din namin na maging buo ang bata na nakakasama nya ang nanay at tatay nya... Nagkaroon kami ng usapan ng nanay ng bata na saknya mag papasko at bagong taon ang bata at always ko nireremind sa bata un ngunit palaging tanong sakin ng bata kung pwede ay dito sya mag new year kasama kami ang sagot ko saknya hindi ako ang mag dedecide nyan kaya magpa alam ka sa nanay. Mo... Naiintindihan naman ako ng bata at nagpaalam sya sa nanay nya ngunit ang nangyare nagalit saknya ito maayos naman sya nagpaalam at sinabi saknya na sila at mag kalimutan nalang at hindi na sila magkontakan muli... Umiyak sakin ung bata at sinabi na maayos naman sya nagpaalam bakit ganun ang reply saknya na pwede naman na humindi at sabihin ng maayos na gusto nila Yung bata makasama sa pasko at new year..... Bigla ako Chinat ng nanay nya at nagagalit na sinusulsulan daw namin ang bata.. ang sagot ko ay Yung bata Yung may gusto at humihingi lng ng paalam sa amin pero ang sagot ko ay magpaalam sayo? ang sagot sakin ng nanay ay wala ako karapatan o ung tatay ng bata lalo na Yung bata para mag desisyon sa mga nangyayare.. Ibig sabihin po ba nun at maging sunud sunuran Yung bata sakanya..... Sa totoo lng po always ko kinakausap at tinatanong at kinakamusta ung anak ng asawa ko... Pag sinusundo daw sya ng Mami nya at nandun na sila sa bahay ng tita nya para daw bang pinangdidirihan sya na ultimo suklay Di sya pinapahiram minsan naiwan Yung damit nya ang sabi samin walang maglalaba pag nandun din daw sya lagi nya naririnig Yung pag mumura ng Mami nya sa mga kapatid nya at kung sigawsigawan ito.... Minsan aayain sya ng Mami nya gumala pero biglang hindi na tuloy pero makikita nalang ng bata na nag post o nag my day Yung Mami nya na nakagala sila kahit wala sya ilang beses na nangyare yun na gumayak sya tapos hindi sya naisama... Pag binigyan sya ng pera kailangan sinasabi kung ano mga binili nya at San napunta ang pera... Ako na stepmother nya never ko po pinakialaman ang pera na binibigay saknya kasi para saknya yun.... Minsan lumabas sila at nag mall tinanong sya kung ano daw ba ang gusto nya ng mag turo sya at kinontra naman daw ng tita nya kaya ang ending lahat ng binili saknya ay gusto ng nanay nya at ng kapatid nito dahil Di na sya makapag Salita sa gusto nya dahil lagi naman daw kinokontra.... Sa totoo lng po Yung anak ng asawa ko pinalaki ko ng maayos na bata na hindi sya mabubulag ng material na bagay ang gusto nya lng pag nasa Mami nya sya ay maramdaman nya ung alaga nito at pagmamahal pero wala dahil pag sinundo sya ng Mami nya nandun lng sila sa bahay ng tita nya nag seselpon ang Mami nya ganun narin mga kapatid nya na kung tatanungin sya ay gusto nya ng bonding kasama sila... Tapos sa sabihan saknya ng nanay nya na jan ka sa stepmother mo tutal sila mahal mo kami ng mga kapatid mo pinipilit mapalapit sayo pero Jan mo parin gusto..... Kung talagang ginagawa nya best nya para mapalapit sya sa anak nya bakit ganun... Never nya tinanong ung bata kung kamusta ang pag aaral nito minsan nag send ng report card like sign ang sagot nya syempre nag aantay ung bata na puruin sya kasi mataas na marka nakuha nya at bakit daw ung 2 nya kapatid halos I post ung grade sa tuwa pero sya like sign lng... Minsan daw lumabas sila ng Mami nya bukangbibig ng nanay nya ung dalawa ng kapatid imbis na sya ung tanungin kasi matagal na panahon silang hindi nagkakasama at bakit Yung time na ung mga kapatid nya nag pabili ng mamahaling laruan ay nabibigay agad pero pag sya daw puro sumbat pa naririnig nya.... Bilang stepmother ang sakit na makita ko ung tinuring ko na ding anak na ganun na nahihirapan na Pala sya na Yung pag pilit ko na ilapit Yung loob nya sa nanay nya ay lalo pa napapalayo sa ginagawa ng nanay nya saknya na mukhang Di din napapansin nanay nya kasi ang isip ng nanay nya ay hindi sya nagkulang sa anak nya dahil binibigay nya daw Lahat ng pangangailangan nito pero tinanong nya ba ung bata kung masaya ba sa mga bagay na binigay nya never sumaya Yung bata kasi aruga nya at Kalinga nya hinahanap ng bata sa tagal ng panahon na Di sila nagkakausap.. Isa din Pala ung about sa illegitimate child sya lagi ako tinatanong ng bata na bakit kung kelan malaki na sya txka sya kukuhanin bakit Di pa nung maliit daw sya Yung time na wala pa sya isip......may time na nagpaalam ung bata sa mami nya na kung pwede 1week sya mag bakasyon sa mami nya at mga kapatid nya ano sagot ng Mami nya Di daw pwede kasi magbabantay ng hardware pero kasama ung dalawa nya kapatid tapos sya hindi pwede ang unfair naman nun hindi po ba