I'M MISSING MY LITTLE ANGEL ETHANNIEL IN HEAVEN
Today is January 18, 2020 Dear Mommies, gusto ko lang magshare ng birth story ng baby ko na ngayon nasa kamay na ng Panginoon. Babala: Very very long Story ahead. Di rin ako magaling mgkwento. Hehe. Para lang po ito sa matiyaga magbasa. I'm a First Time Mom.During the 1st two weeks of November 2019, around 34weeks na tiyan ko, I observed na madalas masakit balakang at likod and nahihirapan ako pag humihiga kaya upo, tayo, higa ginagawa ko, hindi rin ako mkatulog ng ayos, every after 1or 2 hrs. nagigising ako, nastress din ako kasi gusto kong mkatulog ng mahaba. For the past two weeks hinayaan ko lng sya, inisip ko bka dhil sa malaki na tiyan ko kaya ganun. Until one day, sobrang sakit n likod at balakang ko, kaya tinext ko n yung midwife. She advised me to have another Urinalysis. Though ung last Urinalysis ko last October 2019 was normal nman, but by this time Nov. 9, 2019, Saturday yun, nagpa Urinalysis ako sa isang Diagnostic Center at mataas nga Pus Cells ko,10-15hpf, alam kong UTI nga, kaya pala sumasakit likod ko at panay ihi. Hndi muna ako dumiretso sa midwife para ipakita result para sa Antibiotics. Balak ko pmunta na lng by Monday kasi sched ko ng check up. Uminom n lang muna ako ng fresh buko juice at more water. And Nov. 11, 2019, Monday na at sched ko that day for check up, around 5:16am nang tatayo sana ako kasi feeling ko maiihi na nman ako, that day kasi almost every hour ako tayo ng tayo pra mag CR, dhil cguro sa UTI ko at wala pa akong tulog nun simula nung gabi kasi hirap mkatulog at di comfortable pag nkahiga. Pgtayo ko biglang may bumuhos na npakaraming tubig sakin, at alam kong panubigan ko na yon. Tuloy tuloy ang buhos nanginginig ako sa takot at di alam ang gagawin lalo't alam kong hndi pa pwdeng lumabas si baby dhil 34weeks pa lng sya. Kinakausap ko si baby sa tiyan ko "Kapit ka lang muna sakin baby pls.". Mag isa lng dn ako sa bahay kasi malayo sakin asawa ko dhil stay in sa work, kaya tinext ko kapatid ko na malapit dto sa area ko. Tnawagan ko midwife ko pra sabihing pumutok n water bag ko, sabi nya klangan madala ako sa Hospital dhil preterm labor ako at need ni baby ng incubator pgkalabas dhil nga premature. So ngdecide na lng ako na dumiretso kami sa Labor Hospital sa Proj. 4, QC, malapit lng dto samin, taga Marikina ako. Pgdating ko sa Labor Hospital ER ininform agad ako na wala silang incubator. Kaya pmunta kaming East Ave Hosp. sa QC, wala ding incubator sabi ng Dra. na panay laro pa sa cellphone nya hbang kausap ko, nag IE sya sakin at 1cm plang dw, kaya hanap dw kmi ng hospital na may incubator. Pmunta kami sa Quezon City Gen., Fabella Hospital, Reyes Hospital, PGH, Ace General Hospital pero lahat yan wala dw sila available na incubator. Lahat ng hospitals nayan na IE ako, at tinatanong ako if I will take risk for my baby to be born w/ out incubator. Syempre gusto kong mabuhay baby ko kaya ngtyaga kaming ikotin lahat ng hospitals na un, though malaki na gastos nmin sa taxi sa kakahanap ng hospital na may incubator. Nkarating kami sa UERM, may incubator dw sila pero hndi sa charity kaya bka dw abutin ng half a million ang bill kasi nasa private. Almost 2hrs ata ako nagstay don kasi pnagdedecide ako kung mgpapa admit ako khit alam kong mahal. At feel ko nman na ayaw tlaga nila kasi tinatanong nila kung ano dw trabaho ko at ng asawa ko kasi madami n dw babies ang nkaadmit don na hndi mkalabas dahil umabot na ng million ang bill n di mabayaran. Madaming doctors nag IE don sakin kaya may spotting na ako, pero wala namang masakit sakin. Ngdecide n lng kaming wag na mgpa admit sa UERM. Lumipat kmi sa Chinese Gen. Hospital, gabi na yon 6:30pm na kaya nwawalan na ako ng hope at nghihina na ako. Nang kausapin kami ng Dr. sa Chinese Gen. wala dw silang available na incubator pra samin, meron dw pero reserved na para sa mga regular patients nila. Hindi nga ako pnapasok sa hospital na yun. Npaiyak n lng ako kasi naawa n ako sa baby ko sa tiyan ko. May nagsuggest samin na pumunta sa St. Jude Hospital Manila, mlapit lng sa Chinese Gen. Pgdating ko sa ER nkiusap n akong mgpa admit, kahit wla dn silang incubator. Thanks God, at 7:30pm na admit n sa wakas sa St. Jude, gabi na, isipin mo yun buong araw kming byahe doon lipat dto pra humanap ng hospital n may incubator. Chineck muna vital signs ko at ang hearbeat ni baby kasi kinabukasan pa darating ung OB ko, tatry dw pigilin pglabas ni baby kasi nga premature pa. Nov. 12, 2019, 2:30pm na dumating yong OB, pinag ultrasound ako para macheck si baby. Pgkakita ni Dra. sa ultrasound result, ngdecide na eEmergency CS ako dhil konting konti nlang amniotic fluid at bumaba n hearbeat ni baby. 3:30pm dinala na ako sa OR, inenject ako ng steroid pra mhabol pngmature sa lungs ni baby. 4:45pm start na ng CS ko, nanginginig ako nun sa takot, dhil di ako ready. Hnggang nghina ako at mkatulog during the operation. Paggising ko 7:30pm na manhid katawan at tapos na pla operation. Mga nurses n lng nasa paligid ko at nililinisan na ako. Hinanap ko baby ko, nasa NICU daw sya? Natubuhan at na intubate dhil nagka RDS (Respiratory Distress Syndrome, pero di ko sya nakita kagad dhil dinretso ako sa room ko at hirap pa kumilos sa sakit ng tahi.Sinabi samin ng Pediatrician n nung pgklabas ni baby sa tiyan ko unresponsive dw, 30 minutes nirevive,protocol nila n more than 30 minutes of reviving dpat give up n sila, pero may Dr. na tinubuhan ata ng Oxygen, thanks God, nagka hearbeat dw. Kaya "Miracle baby" tawag sa kanya ng mga Doctors n nag operate sakin. After 3days ng operation, nadischarge na ako. Don ko lng nkita baby ko, awang awa ako dhil nkatubo sya connected sa ventilator machine to support his breathing because of RDS. Maiiwan muna sya pra mgpagaling. Kaya binibisita ko sya every other day sa NICU dhil malayo bahay ko from Hospital (Marikina to Manila via Taxi) Everyday I always pray to God na sana pagalingin n nya baby ko pra mkasama ko na, and palaki n ng palaki ang Hospital bill nmin, isa pa yun sa worry nmin pano mababayaran, everyday kasi 10K nadadagdag sa bill namin. Until on the 12th day of baby being born, Nov. 24, 2019, tumawag sakin asawa ko naririnig ko sya umiiyak, tnawagan dw sya ng hospital, puntahan dw si baby at mahina na. Ngbreak down ako, pero nilakasan ko loob ko dali dali ako pmuntang Hospital, pgdating ko akala ko ok na si baby. Pinaupo muna ako sa tabi at di agad nkalapit kay baby. Kinausap ako ng Dr. ni baby sa cellphone, enexplain lhat ng ginawa nila kay baby that morning, hanggang sinabing wala na dw sya by 8:45am, bago pa ako mkarating wala na pala ang baby ko.??? Kinuha na sya sakin. "Pneumonia" ang cause of death n nkalagay sa Death Cert. Sobrang sakit, npakasakit na wala na sya, na akala ko gagaling sya. Khit papano nkasama ko sya. Miss n miss ko na ang baby. Dumating yung point n gusto ko ng sumama sa kanya. Wala na akong lakas pra lumaban pa. Pero after how many days of mourning and crying all day. Sinusubukan kong mgpakatatag, nilabanan ko ang lungkot at hinagpis ng pgkawala ng baby ko. Ngayon patuloy pa rn ako sa buhay, hoping na soon mgkakababy ulit ako lalo pa't n andyan pa asawa ko umaasa sakin. Kaya klangan ko pang lumaban. Sa mga mommies natin dyan who are preggy pg may nraramdaman kayo n di normal, pa check up agad or mgtanong, at dpat tlaga sa OB lalo na sa 1st time mom, sa lying -in lang kasi ako ngpacheck up. Like me hndi agad naagapan UTI ko, na maybe naging cause ng preterm labor ko. Kaya sinisisi ko sarili ko kung bakit ngyari ito lahat sa baby ko. Kaya dpat sa susunod doble pag iingat na dpat para sure na healthy na baby ko by Gods grace.???
First Time Mom