Hindi namin alam if paano sasabihin sa parents ko
I'm just 17 years old and 7weeks napo akung buntis?. Alam ko po masyado pa po akung bata☹️. Humihingi po ako ng advice kung ano po gagawin namin para masabe sa parents ko sobrang natatakot po talaga kase ako?.
Hi im also 18years old and im almost 36weeks pregnant ang ma aadvice ko lang ay sabihan nyo muna yung parents ng partner mo para sila na mismo ang makipag usap sa parents mo then afterwards talk to your parents din. Sabihin nyo yung plano nyo for the baby and for your future. Everything will be okay 🤞
Đọc thêmSabihan mo muna cguro ate mo if meron, para tulungan ka sa pagexplain sa parents mo .... Ganun ginawa ko .... Sister ko muna tas cya na nagsabi sa parents ko .... YAKAP una kong natanggap sa papa ko nagkamali lng daw ako .... Aheheh kinabukasan ayun sermon at binato bato ng bag galing sa mama hehehe
sabihin mo na sis habang maaga pa, pero imindset mo na siguro sa isip mo na baka magalit sila. pero walang magulang ang pababayaan ang anak nila kaya laban lang sis😊 kung student kapa mag hanap ka ng mapagkikitaan like online selling, para kahit ganyan ang nangyare makakatulong ka pa din🤗
Mas maganda sabihin niyo na ng mas maaga. Pagnagsabi ka sa parents mo, isama mo si boyfie. Ready na lang sa sangkatutak na sermon at pangaral. Manghingi ng tawad at magpakumbaba. Sabihin mo kay boyfie na wag masyado mapride ha. Baka mamaya pagalitan lang ng parents mo, magwalk out.
Ify sis!!! I'm also 17yrs old and 3months preggy na hehe. Nung una nagalit sila until now may sama sila ng loob. Pero matatanggap at matatanggap nila yan,ipakita mo lang na tama yang desisyon na ginawa mo,maging mabuti kang ina sa magiging anak mo.
Much better kung sau mismo manggaling ang balita kesa malaman pa nila sa iba. Pagalitan ka man nila, makarinig ka man ng hindi magandang salita accept it. Dapat bago ka nagpagalaw inisip mo muna magiging consequence mo. Lakasan mo lng loob mo
Sabihin mo na po ng mas maaga sis....isama mo bf mo na magsabi sa magulang mo..syempre magagalit magulang mo sa una. pero i'm sure matatanggap din nila yan..mas okay na magsabi ng mas maaga para mawala na yung takot mo and hindi ka ma stress
Sa parents muna ng bf mo baby girl..' Then pasama kayo para makapag-usap na din kung ano mangyayari sa inyo. Wag ka masyado pastress' nandun yung galit at disappointment pero no matter what happen mahal ka pa din ng parents mo,
Kausapin mo mama mo anjan na yan tiis kang sa sermon natural yan kase bata kapa e. Pero di ka din matiis ng magulang mo tatangapin ka din nun at ang pag kakamali mo kase sila lang din magiging kakampi mo balang araw
hi momsh 16 ako nagbuntis pero 6 months na tyan ko ng nalaman ng parents ko na buntis ako hehe natakot din sa una magsabi pero dadating padin tayo sa araw na kaylangan na natin sabihin para matulungan nila tayo