asking for suggestions or based on your experience po, be kind!

i'm 11 weeks pregnant po and this week palang po ang first check up ko, ask lang po ako about sa first check up experience nyo po

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

5 weeks ako nung first check up namin ni baby, hindi pa ako inultrasound nun kasi sabi ni doc wala pa din makikita. I dunno in your case if iultrasound ka na mommy on the spot. Basically, icheck kung high risk ka ba o hindi. Then, idetermine yung EDD mo so dapat alam mo yung LMP mo. Then resetahan ka nya ng vitamins. Suggestion ko, ilista mo mga questions mo kasi nung ako nakalimutan ko na nung kaharap ko na si dok. Pwede mo sabihin mga nararamdaman. May spotting ba, cramps, sobrang pagsusuka. Sa case ko nun, may konti akong spotting at may nararamdaman ako na nahilab sa puson ko. Kaya naresetahan ako ng pampakapit. If may questions ka sa paglilihi mo, mommy, ask mo na din. Nung sakin andami na kasi nun nakapagsabi sakin ganito gawin ganyan, bawal ganito ganyan. So tinanong ko yun kay dok kung tama ba mga yun. Go mommy, madidinig na heartbeat ni baby nyan. Exciting! 🥰

Đọc thêm
6mo trước

Ay share ko na din pala, yung pinakauna ko palang check-up ay 4 weeks ako. Tapos si OB, sinerum test nya lang ako at niresetahan ng vitamins. Yun na tapos na. Di man lang kami nag-usap. Hindi ko sya nagustuhan kaya lumipat ako ng OB at nagpacheck ulit nung 5weeks na. And good decision kasi sobra maalaga nung new OB ko. Hopefully, magclick din kayo agad nung OB mo. If hindi, feel free na maghanap ng iba.