Nakakaiyak na mag hintay
Ilang araw na akong stuck sa 4cm panay paninigas at konting kirot lang. 2nd baby ko na to at alam kong magkukusa lang si baby pag gusto na nya lumabas pero nakakaiyak talaga. Naiyak na ako sa kakahintay. Napakalaki na ng tyan ko at alam kong nasa 4 kilos na si baby. 38w 4d via TVS, 41w 2d via LMP. Literal na naiyak talaga ako sa inip. Gustong gusto ko na makaraos kasi napakabigat na ng lahat. May toddler pa akong binabantayan. Limited nalang kilos ko dahil sa laki ng tiyan ko. Yun lang. Gusto ko lang mag vent out. Alam kong may nakaka relate hahaha sana makaraos na. Pagod na ako. At last pregnancy ko na talaga to. Don't get me wrong. I love having kids, but I don't like being pregnant lang talaga :((