nobody's perfect
I want to tell my story. Kasi ako yung taong nagpapaka strong knowing na lumong lumo nako. Wala lang akong mapag labasan ng sama ng loob. I'm engineering student, and 20 yrs old. I want to express myself. Sabi nga nila, gago ako. Actually aminado akong gago ako. Ikaw ba naman niloko ko ex ko ng hindi isang beses. 5 times po. Oo 5 times. Aminado ako kasi totoo yun at kasalanan ko. Napost pa nga ako sa facebook before eh. Dun ko nalaman kung sino ang totoong kaibigan ko at hindi. Nagulat na lang ako pati sa twitter dinagsa ako ng puro masasakit na salita knowing na hindi ko naman sinabi yung mga pinagbibintang nila. Gold digger daw ko. Fyi, may isang mechanical engineer na, na graduate sa school namin na gusto akong tulungan. Pero nauwi kasi sa nainlove siya sakin. Sinabi ko naman na may bf na ko. Alam niyang friend lang maibibigay ko sa kanya pero tuloy pa din siya. Pero gago nga ako eh. Nung time na yun naging bebe ko siya, may ka fubu ako, and may nanliligaw saking sanitary engineer, tapos may bebe ako na nagparamdam sakin at nagpa intindi sakin ng mga bagay bagay. Iniwan ko lahat ng mga nanlalandi sakin. Pero ayun nga uso ang karupukan. Mahal ko pa din ex ko. Before tumatakas ako pupunta sa tinutuluyan niya dun ako natutulog. Pero alam ng bebe ko (yung nagpaintindi sakin ng lahat) na ginagago na pala ako ng ex ko. Akala ko magiging okay kami. Etong pangyayari na to ang nagpabago sa buhay ko. Last na sleepover ako sa ex ko may nangyari samin. Nag off ako ng phone para hindi ako ma contact ng bebe ko. Nung may nangyari samin wala siyang nilabas that night. So morning pagka gising namin we had sex. At nilabasan siya sa katawan ko. And nung papasok na ko. Laguna to manila ang byahe ko nun kasi papasok ako ng school. At nag message sakin yung bebe ko. Nag sinungaling ako sa kanya. Sinabi ko na nawala vivo phone ko pero ang totoo is pinatay ko lang. Pero sinabi ko din sa bebe ko nung pinaamin niya ko sa bagay na yun. Pinuntahan niya ko sa school and nag motmot kami. Nag usap kami, may nang yari samin. At some point sinabi niya sakin na bakit hindi ka nag reklamo na ipinutok ko sa loob. Actually hindi ko na din naisip pigilan. Kasi sobrang sama na ng loob ko that time na halos lahat ng problema ko gusto kong ilabas. Lahat ng sama ng loob na meron ako since birth. After nun hindi niya sinabi sakin na ginagago pa din ako ng ex ko pero alam niya. Binlock niya ex ko at mga nanlalandi sakin. Hindi ko i-unblock ex ko. And ginawa niya lahat lahat para iparamdam sakin yung mga simpleng bagay. Like roadtrip namin. I enjoyed it. Super nag enjoy ako. Madami kaming bonding ng bebe ko na yun pero 1 day (december 31, new yrs eve) nag pm ako sa ex ko via ig. And dun ko nalaman lahat sinend ko sa kanya na ginagago niya pala ako. Pero nav dedeny siya. Okay na sakin yun kasi siya din yung tumigil. Akala ko okay na lahat. Pero yun pala yung last na mamahalin ako ng bebe ko. Lumipas yung mga weeks may nangyayari pa din samin ng bebe ko and bigla na lang napansin ko na january hindi ako nagkaroon and lumipas anh feb 17 hindi ako nagkaroon. February 20, 2020 malaman kong buntis ako. Kasama ko college friend ko nag pt ako sa dorm niya. Kasi natatakot akong mag pt sa bahay. Hindi kasi ako nagkaroon nung january and natatakot na ko. So after ko mag pt nag positive yung result. Syempre as a student, nag mixed emotion ako. Hindi ko alam anong irereact ko. Kasi 1st of all buntis ako. Also hindi ko alam paano sasabihin sa bebe ko. Nag open up ako sa college friend ko kasi alam niya mga ginagawa ko at nagkwekwento talaga ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya na wala munang makakaalam na buntis ako. Sa sobrang down ko hindi ko alam paano ko ihahandle to. Sabi ng friend ko sabihin ko daw sa bebe ko to. Sabi ko lang sa friend ko na, ayoko hindi naman kasi kami eh. Then hindi ko din napigilan sarili ko nasabi ko din naman sa kanya. And sabi niya sakin tutulungan niya ko sa mga gastusin. Pero sabi ko sa kanya okay lang. Asikasuhin mo muna problema mo. Kasi ako, ayoko naman sumabay sa problema niya. Pero tinanong niya ko kung alam na ng magulang ko. So i told him na hindi ko sasabihin. The reason why ayoko. Kasi before ate ko nabuntis siya and sa takot niya sa magulang ko pinalaglag niya to. Saka may problema ate ko nun saka baka palayasin siya. So sabi ko sa sarili ko i want to keep it secret. Hangga't kaya ko kasi sa totoo lang walang kasalanan yung batang nasa tyan ko. Ang kasalanan is yung nagawa ko. Pero siguro nga sa kabila ng lahat ng mga kasalanang nagawa ko narealize ko. A ito na siguro yung karma ko. Ako siguro yung magbabayad ng mga kagaguhan ng pamilya namin. 1st yung papa ko. May babae yun eh pokpok (sorry sa word pero yun talaga yun) 17 yrs old i think. Lakas makabigay ng sustento dun pero needs ko sa school pag manghihingi ako galit na galit. Kaya hindi ako nanghihingi. Hangga't maaari gagawa ako ng paraan mabili ko or mabayaran ko mga kailangan ko sa school. 2nd my mom syempre siguro dala na nga ng sama ng loob sa tatay ko. Pero ang hirap kasi na anak naman din ako eh, need ko din kumain. Pero hirap na hirap siyang bigyan ako. Ultimo utensils like spoon and fork hindi ako makagamit. So ayun sa styro ako kumakain, and plastic spoon ang ginagamit ko. Sa plastic ako ng softdrink umiinom ng tubig nilalagyan ko na lang ng straw. 3rd is yung kuya ko na panganay and bunso. Silang dalawa yung priority, like sa pagkain kailangan kumain na sila. Pag ulam ng bunso or panganay kailangan hindi ko gagalawin. Minsan tinatago nila yung ulam. Kaya madalas itlog hotdog kinakain ko. Actually yung panganay naiintindihan ko kasi nabaliw kuya ko at nadepressed dahil sa ex wife niya. Kaya hindi ko masisi. Ang sakit lang na minsan naiisip ko na gusto ko na lang makapag trabaho pero ang hirap kasi buntis pa ako ni isang check up hindi ko pa nagagawa. Walang wala din akong pera. Pero ang sakit lang minsan na pinapatunayan ko yung sarili ko na nagbago na ko. Pero lagi pa ding iniisip ng bebe ko na nang gagago pa din ako. Naiingit ako kapag nagbabasa ako dito knowing na sila may nag aalaga or may mga vitamins na naiinom. I just wondering na kakayanin ko kaya mag isa na ganto. Ayokong ipalaglag yung batang to kasi ayokong maramdaman niya kung anong ginawa sakin ng mom ko nung pinagbubuntis niya ko. Perk sa totoo lang mas sinisisi ko pa sarili ko eh. Bakit kasi kumapit pa ko nung nasa tyan na ko ni mama the time na pinapalaglag nila ako. Sana pala bumitaw na lang ako. I always told my baby na sorry kasi ganto si mommy mo. Sa gantong mommy ka napunta. Siguro nga may plano ang diyos kung bakit niya binigay sakin to. To challenge my strength and faith sa kanya. Pero hindi ko matago sa sarili ko na every time na maisip ko paano ko bubuhayin yung anak ko. Sana one day maintindihan niya ko. Na kahit ganto lang yung mommy niya, mahal na mahal siya. Kahit wala siyang tatay. Kahit napaka gulo ng buhay ko sana mabigyan ko siya ng maayos na buhay. Sana makaya ko, mairaos ko. Thank you sa pakikinig sakin mga mommies. Sorry kung dito ko naglabas ng sama ng loob. Pinaikli ko na lang yung kwento kasi masyado talagang mahaba eh. Gusto ko lang mabawasan yung pain na nararamdaman ko.