ayaw kumain ng solid food ni lo

i started introducing solid food to lo nung 6mos sya. nagustuhan naman nya yung apple sauce and banana, ayaw nya ng lugaw, at itlog, okay naman noong una pero ngayon na mag 8mos na sya, nagselan na, as in ayaw na nya kumain ng solid except marie na biscuit. naduduwal sya maramdaman nya lng ung texture ng apple sauce na dati naman gustong gusto nya. i don't buy ready made baby food. ginagawa ko lng sya. oras na ba para bumili ako or any tip para makakain na si lo. tyia

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dapat po sana no salt or sugar muna para hindi maging picky eater. Although "pambata" po ang marie biscuit, kung titikman nyo po ay matamis rin ito. Yung applesauce, I assume may sugar din po. Once nasanay na po kasi ang panlasa nya sa certain level of sweetness or saltiness, magiging matabang na sa panlasa nya yung ibang pagkain.

Đọc thêm
10mo trước

yung applesauce po, boiled fresh apple sya na bineblender ko. water lang ang halo niya. no added sugar. yung sweetness nya galing na doon sa apple mismo

i feed my baby rice,broccoli,squash,chicken pero syempre lhat yun puree ko ginawa and no salt or anything, gustong gusto nmn nya..

try lang uli mi. pag kumakain kayo isabay nyo sya. try un mga mashed veggies like carrots, squash, potato.

Same tayo ng issue mi. Para sakin dito ako sa stage na 'to nahirapan. Haha ftm here.

hala same sa baby ko mi, 8 months na sya gusto lng ay marie biscuit

10mo trước

nagwworry nga ako. ayaw nya ng texture ng puree. parang nandidiri sya, niluluwa niya. nagtry ako magboil ng chicken then sinamahan ko ng carrots and celery, no salt. yung broth na pinagpakuluan ko, pinainom ko sa kanya. uminom naman kahit paano.

try mum-mum biscuit. for babies po tlga.

9mo trước

yes! super like ni lo kahit ano flavor gustong gusto nya. and then after ko sya pakainin nun sinusundan ko ng baby cereal (like nya yung nutridel and milna). sa ngayon ayun muna ang food nya, yun pa lang ang gusto nya. and then unti unti pinapatikim ko na rin ng ibang food. sana masanay na sya sa solid para bumilis na rin weight gain nya.

kamusta na sya ngaun mi? kunakain nba

9mo trước

ayaw nya ng mash. mas gusto nya yung may nakakagat o nangunguya sya. kaya yung mga gaya ng patatas, carrot, kalabasa, pagkaluto ko inislice ko ng maliit then yun ang pinapakain ko sa kanya. paunti unti, pag ayaw na nya, di ko na pinipilit. nagtry din ako bigyan sya ng malambot na tinapay, gusto nya rin yun. ittry ko rin ang fresh fruit juice tutal sanay na sya sa basong may straw para may fruits din sa diet nya. hirap magpakain, parang trial ang error. pero sa formula nya malakas pa rin sya. every 3-4hrs humihingi sya ng dede.