ipon

I need your opinion mga mommies. Meron kasi ako tinagong pera nakalaan sya sa pang opera ko Masama ba na naglihim ako sa LIP ko na may pera ako? Yun pera na tinago ko pandagdag sana un if kulang un hmo ko sa pang opera ko need na kasi na tangalin un stent na nakalagay sa right kidney ko. during pregnancy nagkaskit ako kaya naoperahn ako. Yun nga po kaya ako nagtago ng pera kasi alam ko hnd nmn nya ko bibigyan pandagdag (dati kasi naconfine ako ni singkong duling hnd sya nag abot kahit nagmakaawa ako ) buti nalan meron ako kaptid na tumulong akin. Pinagtakpan ko nga sya sa mga kaptid ko para hnd sila magalit sa knya (tanga ko) ngayon po nagttaka sya bat nakakbili ako ng needs ni baby sinbe ko meron ako pera ero hnd ko sinbe exact amount ayoko kasi na baka umasa sya doon (nahihiya ako manghingi ng pera sa knya kasi minsan nanhingi ako naoffend lan ako sa sinbe nya) ngayom nagagastos ko un ipon ko para sa needs ni baby kasi ayoko masumbatan na wala ambag . (may work ako pero naka maternity leave)Ngayon tinanong nya ko baka kumkuha ako ng pera sa wallet nya tpos bumaba yun mama nya sinbe nya sa mama nya baka kumukuha ako ng pera kya itago nya maigi un pera at alahas baka nakawi ko daw .naooffend ako pero hnd naln ako nagsalita kahit ppabiro pero alam ko may laman yun maskit lan isipin ganun kababw tingin nya skin buti nalan un mama nya alam may pera talga ako. Hnd kasi ako naglihim sa mama nya sinbe ko meron ako pera na tinago for emergency purposes and mama nya rin nag advise na wag ko na sbhn kay LIP mas mabuti meron sariling pera kasi alam nya ugali ng anak nya. (dagdag ko lan nakay LIP atm ko 23k laman ayaw nya hawakn ko magastos daw ako paano ako magastos halos wala nga ko nabibili kahit gusto ko bumili ng personal hygiene lahat meron tanong. Hihingi ako ng pera para pambili may sasbhn muna skin samntla sya magastos sa pera nya hnd kolan pinpakealamnan kasi pera nya un hindi nya ko binibgyan ng pera kungbibigyan nya ko kelangan nakalista at may resibo. Kaya mga mommy iba talga pag may sariling pera ka.. sorry kung medyo mahaba.

34 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

dpat ikaw nag hahandle ng pera sis.. and kung may mga bagay ka na nabili for baby ipamukha mo sa kanya na naipon mo un kc ayaw nya nman kamo makinig sa mga sinasabi at pinapabili mo.. naku kairita ung ganyang tao lalo pat mag asawa na kau..saka di dpat pinag aawayan ang pera momsh' nakakasira ng relasyon yan.. ipaintindi mo po sa knya mga hinanain mo di ung ganyan ugali nya..

Đọc thêm

Jusko, hnd ako tatagal sa ganyan klaseng tao, kong ako nasa katayuan mo iniwan ko na yan matagal na. Ano ngayon kong ako lng bubuhay sa anak ko. As long as kaya mo buhayin anak mo wg kana mgpakahirap mkisama sa taong wla nmn pakialam at tiwala sayo.. mg isip isip kana momsh habang maaga pa.. hnd mo deserving ang ganyan klaseng tao.. baby mo lng sapat na sayo..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pag usapan niyo yan sis ng masinsinan. Ok lang meron kang sariling pera and walang masama kung ikaw bibili ng needs niyo ni baby mo. Ang masama e yung pinagdadamutan ka at pinaghihinalaan na nagnanakaw sakanya. Hindi maganda sis. Mahirap kung ganyan lagi na kaylangan mo pang magtago ng pera para sa sarili mo at sa baby mo kaylangan ipaintindi mo sakanya. Hugs*

Đọc thêm

Hiwalayan mo na yan momsh,hindi mo deserve ganyang treatment sabi nga ng hubby ko, trabaho ng lalaki na e spoil ang LIP or asawa nila,kahit na ba dw joke yung sinabi hindi maganda,kaya nga dw kayo partner ehh kc you have each others back,so kung ganyan naman lang dw sya sayo...much better nlng dw na wla kaysa dumagdag lang sya sa stress mo at problema..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ha? Bakit ganyan LIP mo? Di siya nagbibigay sayo ng pera para sa pangangailangan mo at kay baby tapos sarili mong pera itatago niya. I agree dun sa isang comment, iwan mo na yan. Hindi naman partnership ang meron kayo. Sarili niya lang nasa isip niya, tapos huhusgahan ka pa na nagnanakaw.

Thành viên VIP

Grabe naman LIP mo sis pinagdadamutan ka sa pera pati ung magiging baby mo.. buti na lang hubby ko nde ganyan cmula nung magbf gf pa lang kame ako na humawak ng atm nia lahat ng sahod nia bigay agad saken hanggang ngayon sa makasal kame, kahit kelan nde ako pinaghanapan ng pera .

You definitely need to talk to him about your finances,about your relationship. Para mas maging okay flow ng relationship nyo. Naiintindihan kita bakit kailangan mo itago pera mo. But hndi habang buhay itatago mo nalang ng itatago. Kailangan may maging pagbabago din sa rel nyo

. iiwan kupo yang ganyan klaseng tao .. kung kaya ko nman bhayin si baby bat di ako hihiwalay saknaya.. mommy kya nyo nman po sgru laluna pag naging ok napo at mkpag work ka .. dina po uso tanga ngaun.. kaylangan mahalin mudin sarili mo bgo sya laluna anjan na si baby mo..

Buti natitiis mo yung ganyang ugali? Sarili mong pera pinagdadamot sayo, pano ka bibili ng needs nyo ni baby? Kapag ganyan katoxic yung lalaki parang mas ok pa maging solo parent. Walang makikialam sa gastos nyo ni baby, hawak mo pera mo at walang masakit na salita.

Mumsh, buti po nakakatiis ka sa ganyang treatment sayo na partner mo. Pero I'm telling you, nobody deserves that kind of treatment. Buti po nakakatiis ka. Mahirap po yung kahit sentimo irereport mo pa sa knya and mabuti po na may naitatago kang pera.