Medyas after manganak
Hello i just gave birth 1week ago, and hindi po ako nag mmedyas. Sabi nila mapapasukan daw ako ng lamig? Totoo po ba yun? Naliligo narin ako araw araw. Mga matatanda kasi kasama ko sa bahay. Matigas daw ang ulo ko.
nasayo yun mi kung maniwala ka sa doctor or sa matatanda. Pero skl yung naexperience kong "binat" di ako naniniwala sa ganon dati eh hehe nung naranasan ko stka ako naniwala. Nag umpisa sumakit mata ko, hanggang ulo. Yung pakiramdam ko non ang gaan ng ulo ko na masakit na parang mabibiyak. Ultimo pagtayo di ko magawa tas para nakong lantang tutay. Nilalagnat ako pero lamig na lamig katawan ko non. So ang ginawa ko non, punta ako sa dr. kase sobrang sama na ng naramdaman ko. Nangyare chineck up ako, tapos niresetahan gamot. Walang nangyare talaga. Sumusuka nako. Tapos itong tita ko tinawag yung mang hihilot dito samen. Napagalitan pako haha. Grave raw lamig sa loob ng katawan ko, tapos hinilot ako. Tapos nag pausok sa pwerta. May baga pa yung bato non tapos may dahon siyang ginamit eh. Then pawis na pawis talaga ako nong oras n Yun. Kulob kase talaga. Tapos ayon. Parang gumaan pakiramdam ko. Pahinga ako ilang days kase bugbog ako sa puyat, pagod. hehe skl mi.
Đọc thêmako nga po mamy nakashort pa nakabukaka pa dahil sobrang hapdi po ng pempem.ko bukod s tahi e parang nagka rashes ang pisngi ng pempem ko sobrang hirap po ako makalakad umupo kaya pabukaka po ko maglkad at mahiga july 5 po ako nanganak hanggang ngaun po mskit padin kaya eto pabukaka prin po ako mahiga at gusto ko maluwag na short at panty
Đọc thêmtinanong ko to sa hospital bago ako nadischarge. hindi daw totoo. sinunod ko lang yung instructions galing sa hospital kahit palagi akong napapagalitan ng mother ko na mapamahiin. matigas din daw ulo ko hahaha. suotin mo yung mga damit na kumportable ka, yun ang importante.
ako po nung nasa hospital lang ako naka medyas pero nung paglabas ko po di na.. mainit po kac 😅 btw 2nd baby ko na po, kahit sa 1st baby ko di ko po ugali mag medyas at pajama lalo pag tag init 😅
yes mi, Wala naman masama kung susundin natin sila kaysa mabinat. July 1 ako nanganak hanggang ngayon nag memedyas parin ako ☺️
Hindi yon totoo mhie. Pero dipende na sayo yan kung susundin mo mga pamahiin ng matatanda.
nako po baka po mabinat kayo nyan, sundin niyo na lang po