Help mga mommies, humina bigla dumede si baby 😢
Humina siya bigla dumede nitong mga nakaraang araw (formula fed po siya) then kagabi nilagnat sya, and nitong madaling araw. narerelieve naman ng paracetamol. Duda namin teething pero ang problema namin ngayon, malakas talaga siya dumede dati pero ngayon biglang hihinto pag 2,3 o 4 oz palang ang naiinom. parang biglang naging shallow ang sucking niya na hindi siya makakuha ng milk, yung parang naka pacifier lang siya. pero gusto niya dumede pero hindi siya makainom ng milk. 😢 any same experience po? ano po ginawa niyo? btw, 6months and 16 days na po siya. #firsttime_mommy #pleasehelp #pleasegivesomeadvice #FTM