Baby position
How can you tell po if cephalic na si baby without needing ultrasound? Like yung movements at sipa po niya, saan po banda?
While sa ultrasound pa din talaga malalaman, sa experience ko naman, cephalic si baby nung 4-6months nya. Grabe sipa sa banda taas ng pusod. Then nung pa 7months na bigla nalang mas ramdam ko movement sa puson. As in kada sipa nya parang tutulo talaga wiwi ko hahaha. Yun pala naka breech na sya as seen sa utz. Pero after 2 wks may utz ako ulit, cephalic na sya ulit. Lakas na din uli ng sipa sa bandang taas.
Đọc thêmdi pwede ibased sa sipa mi e..like ako cephalic si baby pero ung kick nya nasa ilalim ng pusod o nasa taas ng pusod.. un pala suntok ung sa baba sipa ung sa taas..minsn akala kse ntn sipa ung sa baba kaya akala ntn nka breech pa pero minsan cephalic n pla
i think sa gitna ng pusod at sikmura. nung malaman ko kasi na cephalic ako, dun lage visible galaw ni baby. then nung di ko ramdam masyado galaw nya na worried ako, nag pa utz ako, then result breech na si baby.
pero mii, need mo pa rin pa ultrasound ah to make sure hundred percent.