Pa help po 🥺
Hingi lang po ng advice mga mi. 3 years na kami ng ka live in partner ko may 1 year old na rin po kami anak. Tinanong ko sya kung kelan nya ako balak pakasalan, ang sabi nya ako daw bahala kung kelan ko gusto, so sabi ko etong parating na anniversary namın, umoo naman na rin sya. Ako na kase nag plano ng wedding date namin ni partner. Ako pa rin po nag paplano kung saan magiging reception, souvenir and kung saan kami ikakasal. Ako na rin po nag plano kung kelan sasabihin sa mga pamilya namın. Gusto ko sana sya mag plano lahat pero lagi nya nirereason mas magaling pa daw ako magplano at magagawa ko daw yung gusto ko para sa wedding namin. Nakakasad lang kase gusto ko rin sya mag effort and take note walang proposal na nangyari, ako na rin po bumili ng engagement ring ko na kasama sya 😅. Nagmumuka tuloy ako desperada magpakasal.


