Pahingi naman po ng konting lakas ng loob

Hindi po kami magkasama ng partner ko sa bahay dito po ako sa parents ko nakatira at bumisita sya kanina. Syempre alam naman natin na ang laking pagbabago ang nangyayari satin ngayong nagbubuntis tayo at lahat yun para kay baby. Nakakapanghina lang kasi ng loob na sinasabihan nya ako ng ganyan 😔 yung pinilit ko na nga lang tanggapin na nabuntis nya ako tapos ganyan pa maririnig ko sa kanya. Yung sinasarili ko nalang lahat ng problema at sama ng loob. Lalo na ganyan syang walang naibibigay na suporta material o emotional support kahit isa wala tapos ganyan pa maririnig ko sa kanya 😔 #advicepls #sharingiscaring #FTM #37weeks

Pahingi naman po ng konting lakas ng loob
81 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung ganyan siya mommy na nagsisimula kayo, your better off without him baka mas lumalala pa ugali nyan pag nagtagal. Wag mo siyang isipin tutal wala namn pala siyang ambag. Stay away from stress sinusupport ka namn ng parents mo hayaan mo na siya

sabihin mo dapat "wala kang kwentang lalaki, mambubuntis ka pero wala kang pera pang bigay suporta sa pagbubuntis mo puro ka lang pasarap wala ka namang ambag, aanhin pa ang kalinisan na sinasabi mo kung wala ka namang dulot? pranka din ako.

grabe naman mga ganyang lalaki..di kasi nila alam dinadanas ng mga babae sa pag dadala ng sanggol sa sinapupunan..hayaan mo na momsh basta wag mo kakalimutan na nandyan lagi si God di ka papabayaan pati baby mo..pakatatag ka lang..

Thành viên VIP

the best asawa ko pag sinasabihan ako ng mga kapatid ko na ang pangit ko na nagagalit, sya hindi ko daw dapat naririnig yun, at wag daw akong maniwala kasi ang ganda ganda ko daw kahit alam ko namng hindi na talaga🤣🤣🤣🤣

Si partner ko sinasabihan nya ako dati na tomboy, kasi lahat ng susuotin ko pajama at long-sleeved basta Hindi nakikita braso ko, at ngayon nagshoshort na ako magrereklamo pag maglaba sya, mga short ko daw pangbata😂😂

Thành viên VIP

Nakakagigil naman yan. Sana lahat ng lalaki na ganyan ang attitude e sila ang magbuntis. Hindi nila alam kung gano kahirap magdala ng baby. Kaya mo yan sis. Wag mo na isipin yang lalaki na yan kasi mastress ka lang.

Thành viên VIP

He must be extra sensitive sa emotions mo. Hindi toh tamang panahon para lawakan mo pang unawa mo. If I were you isusumbong ko yan sa parents ko. Wala na ngang ambag ganyan pa. Pati mister ko nainis sa kanya

naku sis masakit sa masakit pero dapat tanggapin mo . baka hinde mo napapansin napapabayaan mo na sarili mo. proper hygiene parin sana all the time..ok na manggaling sa partner mo kesa sa iba mo pa marinig.

grabe nman sabihin mo mommy,(tanggap ko ngayong taon nato pag eto lumabas mag laway ka)nag bibiro mr.ko pero in a nice way nman like kumaen ka lang para lumaki ka ng lumaki para akin ka lang sabay tawa.

hard naman partner mo sis kahit sino siguro maooffend pero yaan mo sis wag mo muna masyado isipin gulatin mo nalang siya na sexy kana sa susunod na magkikita kayo , baby muna priority sa ngayon.. 💓