need advice
Hindi ko alam ano gagawin ko. 1month 6days na baby ko. Yung pagod,puyat sa pag aalaga ramdam ko lhat. Pero bakit yung mga kasama ko dito sa bahay, yung nanay ng asawa ko, walang pakialam. Hindi man lang tumulong wala naman sya ginagawa dito. Tapos kapag kelangan nmin umalis ng asawa ko para mag bayad ng bills etc pwede nya bantayan pero dapat patulugin ko daw muna. Hindi ko alam kung nag seself pity lang ako pero wala kasi tumutulong sakin. Mula sa pag aalga sa baby ko umaga gabi ako lang lhat. Ako pa laba ng damit nya linis ng dede. Ako pa nagluluto ng ulam. Sabayan ko daw tulog ng baby ko para makapag pahinga. E pano ko gagawin yun kung pag tulog baby ko tsaka ako gagawa ng chores. Yung asawa ko naman walang kusa. Kung di ko sasabihin na sya mg sterilize ng dede di sya kikilos. Pag sinabi ko na kumuha kami ng katulong ksi nahihirapan na ko sasabihin sakin di namin afford. So pano na ako lahat tapos sila relax lang ?????
Hi mommy, mahirap po talaga lalo na if first time mom ka. Mahirap din po talaga na umasa sa iba, mas lalo ka lang maawa sa sarili mo. Pede mo naman po kausapin si hubby about sa mga chores. FTM po ako, and nagleave ako for 105 days, nung una umiiyak ako kasi ako lang din lahat tapos madalas iniintay ko lang magkusa si hubby pero di nya ginagawa, yun pala akala nya yun ang gusto ko. So nagusap kami, may mga chores na sya amg gumagawa or pag dumadating sya from work, sya magbabantay kay baby tapos ako lahat gagawa. Palitan din kami sa pag duty kay baby, like pagdating nya babantayan nya si baby tapos ako gagawa ngvmga chores then sleep ako hanggang madalig araw tapos papalitan ko sya sa pagaalaga. Diskarte lang mommy tapos usap kayo ni hubby, kayo lang kasi talagang dalawa above all ang makakatulong sa inyo.
Đọc thêmGanyan po talaga. Isipin mu na lang po lage na obligasyon naten moms yon mga ginagawa naten. Sa asawa mu po, remind mu lang siya lage na help ka niya. Truth is never ending na pagreremind yan po. Kasi they won't think like moms talaga e. Key is remind lang lage na hey, asawa ko need ko help mu ganun. I have 4 kids na po yet i still have to remind my husband. Sa biyenan mu naman, intindihin mu na lang po. Graduate na kasi sila sa pag-alaga ng babies. 😊 Saken naman selfish ako sa babies ko from 1st to my 11 months now. Ayoko inaalagaan ng iba maski biyenan ko 🤣 mas gusto ko ako lang kaso working mom ako so si daddy pag pumapasok ako. Enjoy every moment na inaalagaan mu siya kasi di mu na mababalik each of those moments na mamiss mu.
Đọc thêmGanyan talaga nag asawa at anak ka..kapag nanay ka hindi mo dapat isipin ang hirap at pagod dahil yun ang responsibilidad natin bilang ina at asawa..ang asawa natin ang magtatrabaho para sa pamilya.hindi mo dapat hanapin ang katangian ng ibang lalaki sa asawa mo swerte lang talaga ang iba na supportive ang husband sa mga misis nila.baka nag aadjust din ang asawa mo sa bagong chapter ng buhay nyo.ang pagpapamilya hindi basta pinapasok dapat handa rin kayo emotionally at physically...at pinakamaganda mag sarili kayo ng bahay para pareho kayong matuto ng responsibilidad bilang mag asawa at magulang sa inyong anak..
Đọc thêmObligahin mo c mister mo, wla ka mggwa sa byenan mo dhl d nmn nya tlga responsibilidad yan and nkktra lng yta kyo, pero sa asawa mo may mggawa ka, sbhn mo na tulungan ka nya kng wala syang kusa sbhn mo lhat ng dpat nyang gwn, kng d nya afford kmuha ng ktulong mo dpat tulungan ka nya, d pwd ung ksma sya sa bumuo ng bata tpos pg pgaalaga na ayaw nya, d na uso ngaun na babae lng ngaalaga, kelangan mtuto nrn sya, ung asawa ko dti na bnata pa sya c mama pa nya nglalaba mga dmit nya, ngaun na may 2 na kmi anak sya na nglalaba ng mga damit, pti ibang gwain bahay, mtututo dn yan kng pupursigihin mo sya 😊
Đọc thêmNaku d ka nag iisa ganyan n ganyan din ako kulang sa tulog at kain kht sariling pamilya ko d ako tinutulungan sasabihan pko mnsan bkt d ako nagluto pra mkakain eh dlwa binabantay ko anak ko at pamangkin ko hirap magbantay. Ako din naglalaba.naghuhugas mnsan nagluluto naglilinis ng bahay. Pro d ako nagrereklamo bka kc sabihan nla ako pinasok ko to kya tiisin ko. ofw asawa ko kya wla ako ktulong kht nsa side ako ng pamilya ko magkasakit mn anak ko at ako wla tumotulong sakin gnun samin pwera lng kung ano magsabi sa knila na patulong ako. Pro kc andyan nmn asawa mo kya mag usap kau.
Đọc thêmMy baby is 2 and half months na, nung una ganyan din po ako nahihirapah mag aadjust na feeling ko wala akong katulong kahit nan dyan mister ko. Pero kalaunan mommy, nakuha ko na ang technique kay baby. Kapag tulog siya saka ko gagawin ang choresmpati luto at laba. Then kapag umiyak balik ulit ako sakanya. Iniisip ko nalang na wala namang deadline ang mga house chores. Sa bills pwedeng online nalang bayaran like gcash. Or si hubby nalang mag bayad. Ngayon nakakapag puyat pa ako kasi alam ko na oras ni baby kung anong oras pinaka malalim niyang sleep. Then dun na ako kikilos.
Đọc thêmGanyan talaga sis. Hindi ka nag iisa. Ako nasanay na rin kahit iba situation natin. Sa bahay takot sila lahat humawak k baby kasi premature. So ako talaga lahat2. Dede, diaper, laba ng damit nya, etc. But nag exclusive bf ako na direct latch so no hassle na sa paghugas ng bottles and timpla ng gatas. May times naiisip ko kaya ko ba to. Wala na akong life outside sa bahay. Kaya fb fb na lg and of course dito sa the asian parent para makakuha ng tips. Iniisip ko na lg na dati pinagpray namin kay Lord na bigyan kami ng baby, ngayon pa ba ako susuko? Makakaraos ka rin sis.
Đọc thêmAko po mula sa first baby ko hanggang sa 2nd baby ko ako lang po nag-alaga sa mga anak ko wala pong tulong sa kamag-anak tsaka sa gawaing bahay,paglalaba,luto,linis,alaga ng bata minsan pa nga nagluluto ako karga ko pa 2nd baby ko pero di ko po iniisip na dapat may tumulong satin momsh kc pano tau makakapagsarili ng bahay kung di natin kakayanin mga dapat gawin bilang ilaw ng tahanan..need mo kausapin po asawa mo sis na magtulungan kau kahit sa baby mo kc mga asawa natin pagod din yan sa trabaho need mo din talaga sila kausapin na kailangan mo din ng tulong.
Đọc thêmNararamdaman nyo po yan kasi may nakikita po kayong kasama na hindi nakakatulong sa inyo. Pero to think kung kayo lang sa bahay ni mister kayo rin lahat gagawa nyan. Pero sana nauubliga din si mister na tumulong sayo. Thankful na lang ako masipag mister ko sa pagaasikaso samin ng mga anak ko. Pinaka solution po dyan bumukod kayo for peace of mind and less stress na rin. May work din po ako graveyard shift pa nga. Diskartehan nyo na lang po ni mister kung pano ang division of labor sa loob ng bahay. Kapag lumaki na rin sila bagets makakaraos ka rin sa hirap at pagod.
Đọc thêmPara sakin di obligasyon ng mga in-laws or parents ang pagbabantay o pag aalaga sa mga anak natin kaya hwag tayo umasa sakanila. Tapos na yong time nila noong pinalaki tayo momsh. Kung ayaw nila hwag tayo mag reklamo kasi choice nila yon. Pinaka the best na gawin nyo ng husband mo bumukod kayo para kayo dalawa marealize nyo mga responsibility nyo. Pinasok nyo yan so dapat kayo dalawa mag adjust at gawan yan ng paraan di yong aasa ka ng tulong sa in laws mo. Normal lang yan iba na buhay may asawa di na uso pa'relax relax lalo pag may baby na kayo.
Đọc thêm
First time mom