Mga Momshie

Help naman po . Kahapon ng Tanghali ulam po namin ay seafood shell na aninikad ang tawag sa bisaya sikad sikad ata sa tagalog diko po sure, Kumain po ako nyan tapos mga bandang hapon nakakaramdam nako ng sakit ng tyan sinisitmura ako, pero hindi as in masakit Tapos Umabot nalang ng gabi hanggang madaling araw mas lumala yung sakit? Mangiyak ngiyak nako sa subrang sakit .. Tapos Naninigas nadin tyan ko !! Tapos kanina nag pacheck up ako .. Normal naman heartbeat ng baby ko hindi naman ako nag pa i.e kasi mataas panaman si baby sabi ng midwife .. Pero hanggang ngayun subrang sakit padin ng tyan ko at naninigas padin tyan ko Malikot naman baby kaya di ako masyado nangangamba? Ang kaso kasi dipadin nawawala yung sakit ng tyan ko? at paninigas nya .. Cause ba to sa kinain ko na aninikad ? Baka hindi lang ako natunawan? ano ba pwede kainin para matunawan ako? diko kasi matiis yung sakit! Help mga momshie advice naman po? #6months preggy

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời