Hello beautiful men and women.. :) Pasenxa napo, mataas ito. hihi In need lng po ng advise. I have problems with my inlaws too. I've got married in 2015 because i was impregnated. I am 23yrs old. Even before mag boyfriend pa kami ng hubby ko, I have difficulties connecting to his parents. Pero I tried makihalobilo whenever I visit to their house. After our wedding, dun na ako nakatira sa kanila. Hormones and all kasi preggy, I don't usually mingle with them. My hubby is the only kid and adopted po siya. Nagagalit yung mother nya whenever I dont talk to them, I maybe rude pero wala eh kahit anong reach out ko d ko keri, hormones eh. She cant understand that (d naman xa nka ranas) even if I asked my hubby to make her understand. So ayun, dun ng simula yung misunderstanding namin, e sali mo pa yung, everyday they make you both(hubby and me) feel like you owe them a lot coz yun nga adopted tsaka sila daw ng spend ng malaking money sa kasal. So buong pregnancy ko, tahimik lng ako sa bahay nila whenever I am home(working preggy ako eh, hubby ko walang work) Nagagalit sila pag ganun attitude ko. Nung kabuwanan ko na, dun na ako(night lng si hubby pupunta sa bahay kasi prio parin nya parents nya) sa bahay ng parents ko, hanggang sa nanganak ako. Na decide namin ni hubby na mag stay muna ako at ni baby sa bahay kasi iba yung aruga ng ina dba po? Tapos meron pang PostPartum at hindi naman experyensado yung MIL ko. Nung one month ni baby, isang beses lng sila dumalaw sa bahay, mga 20mins nga lng umalis din. Pero the're very vocal na gusto tlaga nla may baby na at gusto nila sa kanilang bahay na kami tumira. Pero isipin nyo, ni bedroom hindi na ayus,alikabok lahat. Hindi okey for newborn. Nag away kami ni hubby nun(inisip na nga nyang hiwalayan ako) kasi gusto nga nila dun na kami tumira, which is for me natatakot ako for d baby sa health nya. Pumunta ako sa bahay nila pra humingi ng paumanhin at sinabi ko yung conditions ko na ayusin yung bedroom for baby. Okey na sana lahat, dun na kami nkatira pero my God! c baby naman, iyak ng iyak d maka tulog, for one week na nandun kami namamaos na xa. Wala pa naman ako buong araw kasi nasa work, sila lng yung nagbabantay. Titigil lng ng iyak pg nakauwi na ako. Hindi nila inisip yun, bsta nasa kanila lng yung baby. D nila naisip na stress din c baby. And it breaks my heart, hearing my baby crying over d phone pg tatawag ako every hour to check. Kaya, nung ng visit kami sa parents ko, nagalit mama ko kasi bakit d nila kaya patahanin si baby dun. Awang-awa yung mom ko. One week bago kami bumalik dun sa bahay ng Inlaw ko, okey na naman si baby bumalik na yung normal na voice nya. Nung naka hanap na ng work c hubby, dun kami sa parents ko ng stay kasi na awa din c hubby na palaging iyak c baby sa kanila d naman kaya patahanin ng mama nya. For 2 mos, visit2x lng kami sa inlaw ko on weekends ganun. Tapos, iwan ko sa hubby ko, tamad, nag stop mg work. Pero dun pa kami nka tira sa parents ko hanggang sa nag baptism ni baby. At dun, iwan ko sa byenan ko, nagalit d ko daw siya pinansin at wala daw akong respeto sa kanya. D ko po namalayan na nandyan na po sya talaga, d ako naka pag mano agad. Busy din ako sa ka entertain ng bisita, d ko na alam nagaganap, d ko daw siya na sali sa picture taking ganun. Itong hubby ko, inaway ako, wala daw akong respeto, pinaiyak ko daw mama nya, over-all mamas boy kasi sya. Kaya, all-out-war silang family clan sa akin, wala kami commu ni hubby, d nga nangungumusta sa baby. Hanggang sinabi nya punta nadaw xa Manila(from Mindanao po ako), mag tatrabaho at para umiwas na sa akin kasi yun ang sabi ng magulang nya. D na ako ng question, hanggang ayun nga nanjan na sya sa Manila. Walang paramdam. Okey lng ba talaga na pinakiki-alaman ng Inlaws ko ang buhay mag-asawa namin? At okey lng ba na mas prio parin ni hubby yung parents nya kahit married na xa? Naiinis na kasi ako kasi sabi ni hubby, prio pa daw nya parents nya hanggang mamatay sila at pangalawa lng kami sa listahan ng anak nya. Sabi pa nga nya, kikilalanin lang kita na asawa ko kapag patay na magulang ko. At mag fifile nadaw sila ng annulment hintay lng daw ako ng letter galing korte. Ano ba to napasukan ko? Ano pwede ko gawin???

99 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Alam mo sis, isipin mo na lang that everything happen because there's a purpose. You should focus on your child. Mabuti at sya na mismo nagsalita na makikipag annul sya sa yo, atleast alam mo na ang gagawin at mangyayari kundi ang maghiwalay kayo. I don't see any reason para magsama kayo because obviously you are not his priority even if he is clearly aware that you both married. Asikasuhin mo na lang ang anak mo at ayusin ang buhay mo. Take this as a lesson at mag ingat next time if ever someone want to settle down with you again. God bles.

Đọc thêm
8y trước

Thank you sis. :) Focus nalang talaga ako sa anak ko. Yung sarili ko naman napabayaa.an ko sis, lusyang na daw ako sabi ng ka officemate ko. Getting skinner as in.. Taz beauty, waley na din. D naman ako super nag.aayos pero iba lng talaga ako ngayon, lola na. haaay!! need advices on how to gain weight. hihi

Kung mahal nya kayo ng baby mo he will do everything for your family, mahirap magmahal ng mamas boy ako nga pati regalong aso sa kin ng bf ko hiningi pa ng mom nya, pati pangalan na binigay ko binago nya, di nalang ako nagsalita para walang gulo. Kausapin mo po sya, pero parang nainis ako dun sa sinabi nya na magging asawa ka lang nya pag patay na parents nya, kaloka yun ah, parang dun palang isipin mo na kung mahal kaba talaga nya, at kapa nya pinakasalan kung hindi pa pala sya ready magkapamilya. Pray ka lang sis and stay strong for your baby

Đọc thêm
8y trước

Sis, salamat.. :) Ako nga din sis, nakakainis isipin sinabi nya pero wala na ako magagawa dun, its not supposed to be argued na. Pray nalang talaga ako. :)

nako sis ang hirap niyan pag ganyan asawa mo di maiwan iwan magulang at mas susundin pa magulang niya kesa sayo eh mag hiwalay nalng talaga kayo pero don't give the baby kahit naman ipag laban niya yan sa korte ikaw pa rin ang mangingibabaw kasi ikaw ang ina ng baby mo feel ko hindi pa handa asawa mo feel ko din brain washed siya lagi ng nanay niya feel ko din ayaw ng nanay niya sayo and most of all asawa mo di marunong maging ama...... dapat pinag sabihan mo siya gagawa gawa kapa ng bata kung mas pipiliin mo sila kisa sa aming dalawa

Đọc thêm

hindi normal 'yun Mamsh. alam mo, nasa side mo ako. di sa pagiging bias pero kasi naman, makisama din naman sila at intindihin ka nila. parang puro negative kasi iniisip nila towards you and your attitude kaya lumalabas na masama ka at palagi kang may ginawa sa kanila or nabastos mo sila. wth. nainis tuloy ako. pabayaan mo na yang Ama ng anak mo kung wala na rin lang naman siyang pakealam sa inyo. What matters most is okay si baby, okay ka, at safe kayo. bruhang MIL. sorry naki-carried away lang Mamsh. ❤

Đọc thêm

hay nko mommy pabayaanmo nlng yang asawa mo, sabi mo nga tamad at mamas boy pa tapos dpa kayo priority dpat once na may family na kayo na dapt ng baby mo ang priority nia, sympre d nia nman kkalimutan ung parents nia pro dapt kayo ung nsa top list nia..tska isa pa hndi dn dapt makealam ang inlaws sa buhay may asawa pede cla advise advise lang or gabayan kayo pro yung manghhimasok cla sa buhay nio hndi dapt, kse family na kayo eh kayo ang bbuo ng pamilya nio hndi cla..

Đọc thêm

Abay isa lang solusyon jan sis hiwalayan mo! Abay sbihin mo nanay nalang asawahin nya.. Naku ndi pdi gnun dapat kau una sa lahat, though responsibilidad nya tlga mgulang nya. Pro yung to the point na mas batas yung salita nang mama nya kesa sau na asawa nya naku, phihirapan molang sarili mo jan at ggwing miserable buhay nyo ng anak mo kapag ndi mo hiniwalayan yang baliw mong asawa.. Kaya mo nmn mgtrabho go!!! Mdami nmn sigle parent jan ndi lng ikaw noh.. Syado sama ugali inlaws mo!!!

Đọc thêm
Thành viên VIP

hi sis naranasan ko din yan sa tindahan din ng mgulang ng asawa ko kaso hnd nman don nkatira ayun nga gsto ko matulog kaso nkahiga ung tatay niya gngawa ko uuwi na lang ako sa case mo nman sis banggitin mo na lang sa mr. mo bka nman pde magawan paraan halimbawa maglabas na lang sila ng kutson para dun matulog ung tatay ng asawa mo kung meron man space or ikaw nlang mag adjust ikaw matlog don sguro nman mahihiya byenan mo pag nakta ka nya nttlog bka sbhn nya ikaw na lang matlog sa kwarto.

Đọc thêm

First of all mahal mo ba ang asawa mo? Kasi kung hindi na wait mo nalang yung annulment case.. tska masakit saten na masabihan tau ng mga asawa natin na kikilalanin lang kitang asawa pag patay na mga parents ko.. hindi tama yun.. at pwede mo sya kasuhan ng vawc kasi sinasaktan nia ang kalooban mo.. if i were you leave him nalang kasi may family sya na hindi ka gusto at nakikialam sa buhay ninyong mag asawa at hindi makabubuti sa pagsasama nio ang ganun masisira lang ang pagsasama nio.

Đọc thêm

Sabihin mo dyan sa asawa mo sis, Magtago sya sa palda ng nanay nya. 😂 Pinsan ko ganyan din sayu, hiniwalayan nya ang lalaki. Pangit kasi pag Mama's Boy ang pamilyadong lalaki. Sabi nga ni Tulfo, Mga kontrabida sa buhay ng mag asawa ang mga IN LAWS. Wag ka ma stress sa kanila. Isipin mo si baby mo. Pagbasa ko sa kwento mo "Your an INDEPENDENT WOMEN". I know. Baka nga mas masinop at matyaga kapa kesa sa partner mo na yun. Whatever happens. Always Pray ❤

Đọc thêm

Hayaan mo nalang asawa mo tutal sinabi naman na lahat na first priority nya parin mga magulang nya so be it, pka mahalin mo nalang anak mo, sa panahon ngayon kung ayaw na ng lalaki basta may anak ka at alam mo naman sa sarili mong kaya mong buhayin ang anak nyo why not, marami ng ganyang case. Life is too short based sa kwento mo mahirap maging masaya kapag ganyan ang mga taong nkpaligid sayo. Nandyan naman family mo lucky ka parin kahit papano.

Đọc thêm