Hello beautiful men and women.. :) Pasenxa napo, mataas ito. hihi In need lng po ng advise. I have problems with my inlaws too. I've got married in 2015 because i was impregnated. I am 23yrs old. Even before mag boyfriend pa kami ng hubby ko, I have difficulties connecting to his parents. Pero I tried makihalobilo whenever I visit to their house. After our wedding, dun na ako nakatira sa kanila. Hormones and all kasi preggy, I don't usually mingle with them. My hubby is the only kid and adopted po siya. Nagagalit yung mother nya whenever I dont talk to them, I maybe rude pero wala eh kahit anong reach out ko d ko keri, hormones eh. She cant understand that (d naman xa nka ranas) even if I asked my hubby to make her understand. So ayun, dun ng simula yung misunderstanding namin, e sali mo pa yung, everyday they make you both(hubby and me) feel like you owe them a lot coz yun nga adopted tsaka sila daw ng spend ng malaking money sa kasal. So buong pregnancy ko, tahimik lng ako sa bahay nila whenever I am home(working preggy ako eh, hubby ko walang work) Nagagalit sila pag ganun attitude ko. Nung kabuwanan ko na, dun na ako(night lng si hubby pupunta sa bahay kasi prio parin nya parents nya) sa bahay ng parents ko, hanggang sa nanganak ako. Na decide namin ni hubby na mag stay muna ako at ni baby sa bahay kasi iba yung aruga ng ina dba po? Tapos meron pang PostPartum at hindi naman experyensado yung MIL ko. Nung one month ni baby, isang beses lng sila dumalaw sa bahay, mga 20mins nga lng umalis din. Pero the're very vocal na gusto tlaga nla may baby na at gusto nila sa kanilang bahay na kami tumira. Pero isipin nyo, ni bedroom hindi na ayus,alikabok lahat. Hindi okey for newborn. Nag away kami ni hubby nun(inisip na nga nyang hiwalayan ako) kasi gusto nga nila dun na kami tumira, which is for me natatakot ako for d baby sa health nya. Pumunta ako sa bahay nila pra humingi ng paumanhin at sinabi ko yung conditions ko na ayusin yung bedroom for baby. Okey na sana lahat, dun na kami nkatira pero my God! c baby naman, iyak ng iyak d maka tulog, for one week na nandun kami namamaos na xa. Wala pa naman ako buong araw kasi nasa work, sila lng yung nagbabantay. Titigil lng ng iyak pg nakauwi na ako. Hindi nila inisip yun, bsta nasa kanila lng yung baby. D nila naisip na stress din c baby. And it breaks my heart, hearing my baby crying over d phone pg tatawag ako every hour to check. Kaya, nung ng visit kami sa parents ko, nagalit mama ko kasi bakit d nila kaya patahanin si baby dun. Awang-awa yung mom ko. One week bago kami bumalik dun sa bahay ng Inlaw ko, okey na naman si baby bumalik na yung normal na voice nya. Nung naka hanap na ng work c hubby, dun kami sa parents ko ng stay kasi na awa din c hubby na palaging iyak c baby sa kanila d naman kaya patahanin ng mama nya. For 2 mos, visit2x lng kami sa inlaw ko on weekends ganun. Tapos, iwan ko sa hubby ko, tamad, nag stop mg work. Pero dun pa kami nka tira sa parents ko hanggang sa nag baptism ni baby. At dun, iwan ko sa byenan ko, nagalit d ko daw siya pinansin at wala daw akong respeto sa kanya. D ko po namalayan na nandyan na po sya talaga, d ako naka pag mano agad. Busy din ako sa ka entertain ng bisita, d ko na alam nagaganap, d ko daw siya na sali sa picture taking ganun. Itong hubby ko, inaway ako, wala daw akong respeto, pinaiyak ko daw mama nya, over-all mamas boy kasi sya. Kaya, all-out-war silang family clan sa akin, wala kami commu ni hubby, d nga nangungumusta sa baby. Hanggang sinabi nya punta nadaw xa Manila(from Mindanao po ako), mag tatrabaho at para umiwas na sa akin kasi yun ang sabi ng magulang nya. D na ako ng question, hanggang ayun nga nanjan na sya sa Manila. Walang paramdam. Okey lng ba talaga na pinakiki-alaman ng Inlaws ko ang buhay mag-asawa namin? At okey lng ba na mas prio parin ni hubby yung parents nya kahit married na xa? Naiinis na kasi ako kasi sabi ni hubby, prio pa daw nya parents nya hanggang mamatay sila at pangalawa lng kami sa listahan ng anak nya. Sabi pa nga nya, kikilalanin lang kita na asawa ko kapag patay na magulang ko. At mag fifile nadaw sila ng annulment hintay lng daw ako ng letter galing korte. Ano ba to napasukan ko? Ano pwede ko gawin???

99 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I guess kaya ka nahihirapan na makihalobilo sa inlaws mo kasi introvert ka. Kagaya mo hirap din ako mag reach out sa mama ng asawa ko. Siguro ako na yung may problema dahil nauuna yung hiya ko but tinatry ko yung best ko na kahit papano makausap sya. But unlike sa inlaws mo mabait ang mama ng asawa ko. Hindi sya kagaya ng inlaws mo na parang kulang sa pansin. Kasal na kayo. Mag asawa. May sarili na kayong pamilya hindi na dapat pa nakikialam ang magulang nya sa gusto nyo (depende nalang kung nakakasama na sobra) baby mo lang naman iniisip mo syempre mahal mo anak mo at gusto mo sya maging ok. Yung asawa mo ang nay problema sa inyo. Hindi nya kaya maging asawa at tatay sa anak mo. Dapat ipagtanggol ka nya kasi ang gusto mo lang naman mapabuti kayo. Kaya mas ok talaga na nakabukod e para hindi kayo napapakelaman.

Đọc thêm

that why all married couples should be separated frm their parents. dpt bumukod na kayo kahit anu pa dhlan para makabuo kayo ng sariling pamilya na kayo ang madedesisyon sa buhay ninyo.yan ang consequences ng nasa poder kayo ng both sides. kung ganyan ang attitude ng husband mo, hayaan mo nlng sya.wag ba kayo nagpukulan ng bad words sa isat isa.hayaan mo nlng sya.besides d mo mapipilit ang isang tao.we never know ang mangyayari kung magkahiwalay na kayo.maaaring bumalik sya at magmature na.maaaring hindi na.kaya be prepared. focus kn lang sa baby niyo. pakatatag ka.pray ka lang lagi sis.kasi si God ang masasandalan mo.stop blaming each other.ipasaDyos mo nlng.dasal lang lagi. kaya mo yan sis.kuha ka ng lakas sa baby mo. and hope maging ok din ang sitwasyon niyo.

Đọc thêm

Sis, tel your hubby na sana hindi na lang siya nag-asawa. Honestly, 'di tama yung mga sinabi niya sayo na di kayo and 1st priority ng anak mo. Oo, nandun na tayo sa point na may utang na loob kayo sa parents niya (especially him) pero iba na kasi sitwasyon ngayon eh, kasal na kayo at may anak na kayo. Kung hindi matanggap ng MIL mo yun at mas gusto ng asawa mo na dun sa kanila, aba hayaan mo na siya. I am not saying this para masira kayo or what ha, pero kasi, kung asawa mo ay tamad mag work at mas gusto sa nanay niya, ibalik mo na. Sa nakikita ko naman strong ka and kaya mo anak mo. Isipin mo na lang anak mo. one day, 'pag gusto niya na ulit makita anak niya, ipakita mo para makita niya na kahit wala siya okay kayong mag-in.

Đọc thêm

nakuuu hirap ng kalagayan mo momshie but for my own opinion MALI na ung husband mo may asawa't anak na eh family pa rin niya priority niya dapat KAYONG MAG-INA na niya ang lagi niyang inuuna, and for me ung mga in-laws dapat sila ung nanjan para gabayan at tulungan kayo dapat sila ung umintindi sa inyo hindi ung sila pa mas nagpapakomplikado ng situation niyong mag-asawa , dapat nung pregnant ka naiintindihan ka nila na madaming nagyayaring hormonal imbalance na di mo kayang pigilan or ipaliwanag dapat sila unang umiintindi sayo pero anong ginawa nila? maling-mali, para saken magstay kayo ni baby sa parents mo at least sila naiintindihan ka nila at natutulungan ka nila dun kayo sa comfortable si baby at alam ko kakayanin mo yan momshie 😉

Đọc thêm

Nakakainis yung mga ganitong in-laws. Akala mo hindi sila nagdaan sa buhay may asawa. Mas gugustuhin pa ng parents nyang masira at kayo at sila ang priority kesa sa pamilya nyo. Kung sakanila ba mangyari yan, matutuwa sila? The moment na pinakasalan ka nya, dapat alam nya na kayo na ang #1 priority nya. Sa pananailta nya, mukang hindi at hindi man lang magsumikap para maayos ang pamilya nyo. Hindi porket magulang sila, sila ang magdedesisyon sainyo. Ano pang silbi at bumuo kayo ng pamilya. Dapat sya ang naglilead sainyo as a family and not his parents. Try to talk some sense into him. Mukhang nabebrainwash na sya. If it didn't work, go ahead with separation. You're strong and you can do it on your own for sure.

Đọc thêm

Sis i hope ur ok. Hugs hugs hugs!!! If i were u kunin mo loob ni hubby thats the only way u can convince him to stay with u. But part nang pagkuha nang loob ni hubby ang pakikisama mo sa mga kinalakihan nyan magulang...i understand na nakakainis mga mil most of the time but tiisin mo lng u have to play safe...civil lng na pakikitungo. Yung parang pakikitungo mo sa boss mo. Para sa sahod kahit masama ugali u have to act civil right? So apply it same way with his parents...para lng makita nya na u are trying...tpos when u guys are really.close na pati c bby dapat attached kay daddy when e evrything looks normal then thats the best time to go away ksma c hubby...i hope nakatulong advice ko....thanks 😊

Đọc thêm
8y trước

Salamat sis. :) Ganyan na ako sa kanila eh, civil. Pero they want something more from me na d ko maibigay. Pray nalang talaga ako..

hay naku sissy. nakaka stress yung ganyan. dapat priority nya kayo. binuntis ka nya at pinakasalan bakit pa sya mag rerely sa parents nya? na dapat sau sya makikinig at iintindi kasi kung iisipin kayo na mgkatuwang at dapat maisip din nya na habang buhay kayo mgkasama at mgkaagapay dapat sa mga prblema. ang sama naman kung mghanap psya ng iba ng dahil lng sa sinasabi ng pamilya nyang iwan ka kung may utang na loob sya sa kanila pwd rin nmn na mag ambag nlng sya ng maitutulong pra sa kanila pra hindi rin sumikip kalooban pamilya nya at mg sikap sya dapat na mgtrabaho. dapat nga sya lng nagtatrabaho muna habang maliit pa bb mo kasi sya nmn dapat sumuporta sainyu dahil obligasyon na yan.

Đọc thêm

grabe naman yang inlaws mo.. sabagay kung wala silang anak bukod sa hubby mo d nila alam ang pakiramdam ng tunay na ina sa pinakikita nilang ugali... at yang hubby mo eh ibalik m na sa nanay nya kc antayin m p bang mamatay ang parents nya bago kayo maging priority nya aba dapat d muna xa nagpamilya hanggang d pa patay parents nya kc napaka unfair nya... sa batas ngayon hiwalayan k man nya basta ang sustento sa anak mo ang importante... wag ka padadala sa pagsubok ng buhay go with the flow ang importante alam m sa sarili mo hindi ka nagkulang.. focus k n lng sa baby mo at sa future nyong dalawa.. kung tlagang decided xa na iwan kayo ni baby hindi nman ikaw ang mawawalan kundi sya...

Đọc thêm

kakaloka sisssss! yaan mo sila dont stress yourself sa mga taong ganun.. somehow medyo same sitwasyon natin. pero ako keber ko sa kanila.. kahit sa ama ng anak ko keber din. though ok naman kami its just that may mga bagay lang talaga ako na d nagugustuhan simula nun magbuntis ako and ilang beses ko na din sinumpa na babalik sa bahay nila. actually ok naman family nila its just that na wala lang sila pake kesehoda buntis bagong panganak or whatsover ka. kaya i chose to to stay at my parents home na lang. kahit anong sabi nila na dapat kahit every weekends bisita naman ako. well.. punta lang ako pag gusto ko but not on regular basis. nakakagigil kc sila. ayoko mastress. hehehe

Đọc thêm

grabe nmn yun ang sabi nga nila ang parent hndi nila pag mamayari ang mga anak nila ang asawa ay para sa asawa kasuhan mo asawa mo dahil hndi niya binibigyan ng sustenso ang baby sna ang inlaws dpat maka intindi may mga inlaws tlagang ganya pero e paglaban mo karapatan mo sabi nila parang malaki na utang na loob ang pag papalaki nila sa husband mo na adopted wla silang karapatan mag sumbat dahil responsibility nila ang magkaroon ng anak and they need to be supportive and be happy with it im sorry im just expressing my feeling about it sis you need to stand up kng ginaganyan kana pero dont also forget to say say sorry and say your feeling to you inlaws

Đọc thêm