Mahirap pag ayaw sayo ng in-laws mo ?

Hello guys pashare naman ako ng thoughts ngayon ? eto hindi lang pregnancy hormones to. Ang hirap makisama sa family ng bf ko. Mayaman nga sila pareho naman na kaming tapos ng bf ko licensed teacher ako at siya naman call center agent siya. Pero as of now siya lang nagwwork and ako stop muna since 4 months pregnant ako. Alam mo yung since nabuntis ako dumami na yung problema. Ayaw sakin ng parents ni bf and plano namin magpakasal na sana pero iniipit nila. Di kami makapagpakasal kasi required ang parent’s consent kapag nagpakasal. Alam na nilang buntis ako at ang gusto nila ay ipostponed muna yung kasal hanggang sa time na matanggap na nila ko. Instead na magamit namin yung health card ni bf kailangan pa namin silang hintayin na matanggap ako. Di nila ko nameet personally one time lang. Nung naglayas pa sa kanila yung anak nila. Masyado silang controlling na mga parents naiintindihan ko naman. Pero parang lahat ng nangyayare sa buhay ng anak nila gusto nilang kontrolin ngayon lang nasstress ako dahil hindi ko pa sa ibang kamag anak ko na buntis ako dahil nga di pa kami kasal kahit sa kanila ang nakakaalam lang yung parents niya at yung kapatid niya. Alam niyo yun na parang nag uumpisa palang yung pamilya namin kinokontrol na nila nakakalungkot lang. Katulad ngayon nag open up sakin yung bf ko na ako daw sinisisi ng papa niya kaya siya di nakaattend ng party nangsusulsol daw ba ko like that since si bf samin na umuuwi. Ayun parang lahat ng ginagawa ko para sa anak nila may judgement pa. Everyday ako nagtetext para kamustahin sila and inuupdate sila sa ginagawa ng anak nila but then masama pa din ako sa kanila sobra kong nasstress ngayon di ko alam kung pano ko kukunin yung loob nila. Kahit di ko na makuha yung loob ee sana man lang marunong rumespeto ng tao lalo’t wala naman akong ginawang masama sa kanila ? nakakalungkot lang umiiyak ako ngayon kasi gantong klaseng lolo at lola ang nabigay ko sa anak ko ? miski ako natatakot na baka pag labas ni baby may judgement silang mabigay sa anak ko?

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Bkt need ng consent? Dpat un bf mo mag desisyon jan kung tunay syang lalake..kht ayaw ng parents nya.

5y trước

parang until 24 years old po needed pa...

Thành viên VIP

Ilan taon ka na ba? Bakit kailangan ng consent?

5y trước

22 po ako 21 si bf