Congenital Anomaly Scan

Gusto ko sana magpa CAS kaso inaano ako ng OB na wag na gawin. Kasi hindi ko naman daw need. Hindi daw routine yun and hindi required unless diabetic daw ako or nasa genes namin na may mga problem. And yung exposure daw ng radiation sa baby kung sakali is matagal tagal. Kaso pano pag gusto ko talaga? Twice ko na tinanong sa kanya yan. Ayaw talaga ng OB ko kasi my baby is fine lang naman daw based sa previous ultrasounds. Ano ba dapit gawin ko? Sundin nalang si OB or what? #Cas #congenitalanomalyscan

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

di naman talaga sya required, but highly recommended. and most of the OB doctors ngayon talagang nagbbigay na sila ng request para mag undergo ng CAS para malaman agad kung may problem ba sa development kahit nasa womb pa lang. nasa sayo mommy kung susundin mo si OB mo, may mga clinics naman na nago-offer ng CAS kahit walang request from your OB.

Đọc thêm
2y trước

try mo nalang siguro mi magpa CAS sa ibang clinic para makampante ka rin. hanap ka ung OB-Sono na mageexplain na rin ng result.

Recommended si CAS, if radiation naman ... as a mom we usually do ultrasound naman din. Ganun din naman si CAS pero imemeasure and check lang nila thoroughly parts ni baby. Mahirap din naman ma surprise paglalabas na si baby. Meron sa fishermall and sm north offering CAS at 23-24 weeks

yung sister in law ko normal ang dalawang baby. yung pangatlo niya iisa ang kidney. which is good thing nakita sa CAS kasi hindi naman yun malalaman agad kung hindi magkaproblema in the future. sobrang naaappreciate niya yung CAS kasi ngayon palang alam na niya gagawin niya sa baby niya.

Ako mi ni recommend sa akin ng OB ko yan which is goods for me kasi gusto ko rin malaman kung normal ang pag develop ni baby sa akin tiyan, for me mas goods kung magpa CAS ka, para yung mga agam agam mo is mawala maging kampante kana kapag Nakita mong walang problem.

Oh, my OB recommended yung CAS. Hindi required, but highly reco. Mas makikita kasi yung bata sa loob and talagang maccheck yung itsura niya. Kumbaga di ka massurprise pag labas if may anomaly. Try mo magpa CAS sa ibang clinic siguro.

yan din sinabi ng ob ko, as long as na okay nman daw si baby no need na daw mag pa CAS.