Strict Breastfeeding sa Hospital

Gusto ko lang pong i share nung nasa ospital kami iyak ng iyak yung anak ko kasi wala siyang madede sakin. As in magdamag syang umiiyak. D ko na alam gagawin ko kaya lumapit kme sa nurse at nagrequest kung pwede humingi ng breastmilk sa storage nila. Ramdam ko kasi na gutom na gutom na sya kaso nga wala syang madede sakin. Kahit sugat na yung nipples ko pinipilit ko sya padedehin kaso wala tlaga nalabas. Ang sabi nung nurse para lang daw sa premature at may sakit na babies yung breastmilk. Naiintindihan ko naman sila pero magdamag na kasi naiyak yung anak ko. Hindi talaga sia natahan. Tapos ayaw naman nila ng formula kasi nga bawal. Strictly breastfeeding lang daw sa ospital. Ang sakin lang naman naaawa na ako sa anak ko kasi wala sya makuhang milk sakin kaya gusto ko sana mag formula muna sya. Umaga na naiyak pa din si baby pero hindi pa din sila naawa. Wala akong choice kundi mag antay na idischarge kami para lang makabili ng formula. I support breastfeeding pero d ko kaya makita yung anak ko na nahihirapan na kakaiyak dahil sa gutom. Gusto pa ata nila intayin na madehydrate yung anak ko. Pinag formula ko agad c baby paglabas namin ng osptal at dun lang siya tumahan at nakatulog ng mahimbing.

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I feel u momsh!Yan ang reason kung bakit naextend pa kmi ng lo ko sa hospital ksi bumaba na ang glucose level niya kya kawawa ang paa niya na laging tinutusok just to check ung glucose niya.

1 week pa pagkaanak ko tska lang lumabas ung milk ko. Nagbf naman ako nung lumabas na. Pero nung wala pa akong milk wala akong choice kundi formula

Ganon talaga sa hospital. Dapat uminom ka or kumain ng lactation treats usually may nabibili naman sa hospital para magkagatas ka

5y trước

Pinagbawalan nga po nila ako kumaen kht uminom ng tubig ksi CS ako. Nag intay pa ako ng go signal nila

Momshie kinausap nyo po ba ung Pedia Doctor na umaattend kay baby? Para naraise nyo po ung issue.

5y trước

SPC medical sa laguna po

awwwww... im afraid baka ganto din mangyari pag ka panganak ko... sang hospital yan mommy?

binigyan ako ng hospital ng expressed breastmilk from nicu and pina-cup feeding si baby

5y trước

Ayaw po nila ako bigyan

Naku. Pag ako sis,patago ko bibigyan ng formula si LO. Bahala na sa patakaran nila.

Thành viên VIP

Ganyan din ako. Naiyak pa ko non kc ang sakit sobra may lagnat pa ko that time

Same feeling. Sana lapag ganun kahit papano nagsusupply ng breastmilk na nakastore pwede naman talaga unli latch e kaso di naman agad agad yan if ever di ba.

Thành viên VIP

Ganyan sa public hospital, public kayo sis? Grabe po, totoo nama what if di lalabas agad ung milk? Ako nga after ,4days pa may lumabas, buti nalang sa private nag s26 nalang muna agad si baby.. sa center rin minsan bawal nakabote akala nila formula milk.

5y trước

Private hospital po kami