My little addison and sebastian ❤️

Gusto ko lang po ishare ang nangyari sa mga baby ko last thurday.. June 28 in the morning nagsusuka si baby addison. Kinabahan ako na nanginginig kase dalawang beses na nagsuka at lumalabas din sa ilong nya. Lumabas agad ako at pinahilot ko sa mga taong nakasalimuha nya nung time na yon, putlang putla na sya. After a few minutes nung pinahilot ko naging okay sya. Then, pagdating ng 1pm nagumpisa ng nagdudumi si addison ng matubig. Kinakabahan nako, kaya agad kong dinala sa hospital. Binigyan ng gamot ng pedia nya at pinapalit na enfamil lactose free ang milk nya.. Kinabukasan ganun padin ang pagdudumi ni baby, watery padin. Pagdating ng 2pm si baby Sebastian nanaman po ang nagsusuka. Suka lang po sya ng suka. Pinahilot ko sa mga nakasalamuha nya pero wala parin panay ang suka ni baby sebastian.Agad ko syang dinala sa emergeny room , ayaw syang bigyan ng gamot. Nanlalambot nako dahil nanghihina na ang baby lucas ko. After a few HOURS, god dun lang po inadmit si baby Sebastian. Ganun din sya, panay din ang pagdumi ng watery. Pagdating ng 10pm, tumatawag ang mother in law ko na pati ang baby addison ko watery parin ang dumi mya. Kaya kinausap ko agad ang doctor kung anong magandang gawin. She told me na kailangan nadin madala sa hospital. Ang hirap, nakakapanlumo. Kase bkt sila pang dalawa. Yung naging findings kay baby sebastian, dehydrated na silang pareho. Si baby sebastian ay na food poison sya dahil napakain ni daddy ng chicken nuggets. At si baby Addison naman dahil sa klima natin ngayon.. After 4days, nakalabas din kami sa hospital ? Kakalabas lang din nila kaninang 5:30pm. Nakakapanlambot dahil yung bill namin umabot ng 35k, ? Hiram lang ng pera for the sake of my babies. Kaya nagpapasalamat ako sa panginoon dahil, naging okay din sila ??? Advise ko lng po mamsh; Wag nyo po papakainin ng kung ano ano si baby. Dahil mahirap papo lumusaw ng pagkain ang mga baby natin. At please lang po, dahil po sa panahon natin ngayon, wag nyo po sila lagi ilalabas, dahil yung alimo-om is nakakapanghina talaga ng katawan . Thankyou po sa inyong lahat sana po, makatulong po ang aking advise ❤️

My little addison and sebastian ❤️
28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pagaling po kayo babies, and thank you sa advice mumsh

food to know that they're ok.God is good all the time

Thành viên VIP

Awww.. Buti safe sila, pagaling kayo mga babies.

Bihira sa process food Ang safe for babies

Thank God mommy.. And get well soon babies

Thành viên VIP

Cute babies! Buti at okay na po sila.

Good to see now na okay na sila

Post reply image

Sama ko po kayo sa prayers ko

Get well soon po kay baby mo.

Thành viên VIP

Get well soon 💙❤️