NAKAKATAKOT!

Gusto ko lang i-share. PS. Sorry mahaba pero sana basahin po ninyo. Nangyari 'tong mga ito last year. March 2019 nung bumukod kami. Kami pa lang ang nakatira dito sa apartment bukod sa may ari. Yung mga kwarto na for rent nasa 2nd floor tapos yung may ari sa baba lang nakatira. Nung una okay naman wala something until one day may biglang kumatok. 3 beses. Akala ng mga babies ko si Papa nila kaya binuksan. Pagbukas nila walang tao. Hangin lang. Kaya binilinan ko sila after nun na pag may kakatok tanungin muna kung sino tapos nilagyan ko ng mga rosary yung pinto namin na nabili namin nung magpunta kami sa Pampanga. November 2019. After nung naunang insidente wala naman na kaming ibang na experience since may mga tumira na rin sa mga tabing kwarto. Not until this month. 4 months na akong buntis nito. Yung unang experience ko.. naglalaba ako sa likod. (May terrace kasi 'tong nirerentahan namin sa likod.) Medyo ginabi ako. Sinabihan na ako na ipagpa bukas ko na lang. Sabi ko naman ilan na lang naman isasampay ko. Habang sinasampay ko yung una, may narinig akong huni. Akala ko ibon. Kaso habang tumatagal palapit nang palapit. Nung pakiramdam ko malapit na talaga siya sa akin sumigaw na ako. Kaya yung asawa ko, nagmamadaling pumunta sa akin tapos biglang nawala yung mga huni. Sabi niya di raw huni ng ibon yun. Pangalawang nangyari. Palagi kasi kaming nagpapatay ng ilaw sa gabi pag matutulog. Di ko rin kasi alam na bawal pala magpatay ng ilaw sa gabi pag may buntis. Palagi akong nagigising between 2 to 3 am. Nung mga una okay pa. Yayakapin ko lang asawa ko o di kaya si Kuya kasi sila katabi ko pag magigising ako tapos makakatulog ulit. Nung minsang magising ako napatingin ako sa mesa namin. (Studio type yung nirerentahan namin kaya halos katapat lang ng hinihigaan namin yung mesa) May nakita akong nakaupo na bata. Hindi ko aninag yung una pero bata talaga. Ginigising ko asawa ko kaso ayaw magising. Ginawa ko pumikit na lang ako ulit at nagdasal. Tapos kinabukasan kinuwento ko. Sabi niya wag na lang daw pansinin. Tapos nangyari na naman ulit. This time dalawa na silang bata. Babae at lalaki. Yung batang babae yung di ko makalimutan. Yung buhok niya kasi yung di ko malimutan. Yung style ng buhok niya parang buhok ni Mimiyuuuh o ni You Do Note Girl. Ganun. Kaya pag nakikita ko sila medyo kinikilabutan ako. Nung minsan na pumunta kami sa Parañaque, nagkwentuhan kami nila Mama na ganun din daw siya dati na maselan magbuntis sa asawa ko tapos meron daw dating batang babae na sinusundan siya hanggang sa bahay. Ang gusto raw makuha yung pinagbubuntis niya which is yung asawa ko. Tinanong nung asawa ko anong itsura nung batang babae na sumusunod kay Mama. Kung anong style ng buhok. Sinabi ni Mama na parang bao raw. Doon na ako kinilabutan. ? Ikatlo. Ngayon iba naman. Pag gising ko nakita ko asawa ko na katatapos lang maligo para pumasok sa trabaho. Laking gulat ko kasi pag tingin ko sa kanya wala siyang mukha. Akala ko nung una namalik mata lang ako pero hindi. Pumikit muna ako tapos nilagpasan ko siya saka ko binalikan. Nung binalikan ko siya saka ko siya sinampal. Nagulat siya kasi bakit daw. Doon na ako umiyak nang umiyak. Sabi ko wala kasi siyang mukha nung una kaya di ko siya pinansin at nilagpasan lang. Tapos sabi ko wag muna siyang pumasok. After ng mga nangyari nagpatingin na kami sa mga albularyo (2 albularyo kasi pinuntahan namin.) Wala naman silang sinabi about sa bahay na tinitirhan namin. Ang sabi lang nila lapitin daw talaga ako since mabango raw ang amoy ng buntis sa mga aswang. Kaya ang ginawa ng asawa ko nilagyan niya ng asin at bawang lahat ng mga bintana namin. Tapos pinayuhan kami na mag insenso kada alas sais ng gabi. Pinabendisyunan ko ulit yung medalyon ko ng St. Benedict pang proteksyon kahit saan ako magpunta. Madalas na ring itim at pula ang suot kong damit at di na rin kami nagpapatay ng ilaw at di na rin ako nagigising between 2 to 3 am. After kong mag insenso gabi-gabi tuwing alas sais, nawala naman na yung mga ganito. Kaso di ko na naman alam anong meron ngayon? Nung isang gabi pa may mga nag aangilang pusa dito. Tuwing umaga pag papasok sila kasi pang umaga sila (asawa at mga anak ko), palaging may mga pusa sa harap ng pinto. Gaya kagabi, sarap i-record nung sounds eh kaso baka iba mapakinggan ko. HAHAHAHAHA. Hindi naman ako likas na matatakutin kaso since ako lang naiiwan dito mag isa simula 5:30 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali di ko maiwasang hindi. ? Never akong naka-experience ng mga ganito before sa panganay at pangalawa ko kaya nakakapanibago. ??

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pray lang po