Ano'ng mas mahirap gawin?
Gupitan ng kuko si baby or Linisan ng tenga?
Pareho napakasensitive ni baby ko!!! Hawakan ko pa lang kamay at tenga nagalaw na... Matinding technique at pasensya ang kailangan!!
1 yr old lang baby ko kaya hirap ako sa paggupit ng kuko niya pero nagagawa ko sya ng maayos pag tulog hahaha
Gupit kuko mahilig mangalamot ang baby ko kaya until now my mga balot parin nga kamay nya kahit 6m 31d na sya
Gupit ng kuko. Madali lang maglinis ng tenga kasi gustong gusto nya nakikiliti sya at inaantok pag ginagalaw tenga nya 😍
Linis tenga. Yung gupit ng kuko kayang kaya ko gawin kapag tulog sila. Linis ng tenga kahit tulog minsan nagigising sila eh
Gupitan ng kuko. Kasi ayaw na ayaw niya talaga tapos kahit himbing ng tulog kapag kukukohan ko na nagigising 🤦♀️
gupit ng kuko. sobrang challenging haha. Maglinis ng tenga medyo madali since kusang lumalabas naman ang dumi sa tenga.
My ENT said no need to use cotton buds when cleaning babies' ears. Enough na yung towel damp sa ears until 1 year old.
wala napaka behaved ni baby pag ginugupit ko ng kuko and pag nag lilinis ng ears yung tipong di siya gagalaw hahaha
Gupitan ng kuko😅😅😅 super uncooperative sya, kabaliktaran sa paglilinis ng tenga na gustong gusto nya.