Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Good day TAP and Grab. Nais ko sanang magkaroon ng mga gamit for my baby. Wala pang gender, 26weeks pregnant. Wala pa kaming naihahanda na kahit na ano dahil sa quarantine. 2 months na ring hindi nakapagwork ang asawa ko. Naaksidente pa ang tatay ko nung nakaraan kaya gumastos rin kami pangpacheck up sa hospital at pambili ng gamot niya. Mabuti at ok na siya ngayon. Maga nalang ang braso. Sana isa ako sa mapili. Salamat po.

Đọc thêm

sana po mabunot ako para sa baby girl ko..lapit na syang lumabas kaya sobrang exited na ako 7 months na sya two months nlang..sana makumpleto namin yung mga need ni baby pag labas nya..nakabili na kami ng dalawang bottle nya..wala pa po kaming mga damit ,sumbrero ,globes ,at yung para sa paa nya .dahil parehas kami walang work..ako nahinto bilang zumba insturctor..kaya sana Tap isa ako sa mapili nyo..salamat Godbless all

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sa panahon ngyon ndi qna po iisipin sarili q or kami ni baby ngyon kaya nmn pagtiisan qng anong meron ,lalo na sa epidemia na ngyayari satin bansa ang KJ pakingan pero totoo.. wish q nlng isang grocery package sa buong pamilya q or isang maliit na negosyo qng saan makakatulong ng pangmatagalan ndi lang makakatulong samin ni baby sa buong pamilya namin napaka malaking bagay kung mapapakinggan nyo po🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Đọc thêm
Thành viên VIP

ang wish ko po ay hindi para sa akin kundi para sa mama ko, sabi ko kasi sakanya nun na pagkatapos ng birthday ng baby ko na bibilhan ko sya ng bago nyang salamin sa mata kaso bago magbday ang baby ko nag ecq at nahinto ang trabaho kaya hndi nagkabudget pampagawa ng salamin nya, kaya hindi ko natupad ang promise ko sakanya, at gusto ko matupad ko yun. sana mapagbigyan nyo ang munti kong hiling, maraming salamat po 😊

Đọc thêm

Dear Tap and Grab, isang maganda at mapagpalang araw po sa inyo... Ako po ay sumulat sa inyo kasi po wish ko po talaga para sa baby boy po namin ng panimulang gamit niya.. sa september po ang due date ko. Pero gang ngayon wala pa po talaga kami nbibili. Sana po isa po kami ng baby ko na mapili niyo at mabigyan ng regalo. Isang napaka laking tulong po ng gngawa niyong pagtulong sa amin. Maraming salamat po.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Have a wonderful day and amazing life TAP and GRAB! May pinaka hinihiling din po ako, habang papalapit na po ang kabuwanan ko, may mga kulang pa po talaga sa mga gamit ng baby ko, pero carry pa naman po, hiling ko lang po na sana matupad, ay makaroon ng baby cloth diaper, washable po para makatipid po sa gastusin, lalo na po nagagamit na po namin ang pera na dapat pang pa-anak ko. Maraming salamat po ❤️

Đọc thêm

Dear TAP & GRAB, Ngayon month of June ay icecelebrate namin 3 mahahalagang okasyon: ang aking kaarawan, father's day at ang nalalapit na pagsilang ng aming first baby. Dahil mas priority namin ngayon si baby, ang wish namin para sa kanya ay isang HIGH CHAIR or BOOSTER SEAT na lubos nyang magagamit sa mga susunod na buwan hanggang sa paglaki nya. Lubos po namin ipinagpapasalamat kung ito ay matutupad sa tulong ninyo.

Đọc thêm

Dear TAP and Grab, ang swerte ko sa husband ko kasi kami parati ang inuuna nya, kaya this time para sa kanya ang hiling ko. Maipag shopping naman nya ang sarili nya. Mabili nya kung ano talagang gusto nya. Naibibili ko naman sya minsan kaya nga lang eh hindi yung talagang gusto nya kumbaga kamukha o kagaya lang.. hindi kasi kaya ng budget. Deserved nya ang ma treat at makapag relax ng bongga. 😊 salamat TAP at GRAB.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hello TAP and Grab Social. This June 28, 30th birthday ni Husband. ♥️ Kaya, para sakanya ang Wish ko, lalo Father's Day din. 😍 Since mahilig sya sa Sweets at Mango, gusto kong maTry naming pagsaluhan ang special na cake ng Contis Mango Bravo. ♥️♥️♥️ Gusto kong makita ang surprised face nya, lalo at tipid kami, at halos lahat ng resources namin, para sa anak na naming 1.5 months old. 🤩 Thank you!

Đọc thêm

Dear TAP and Grab, Ang munting hiling ko po ay magkaroon supporter leggings or panties ang aking 1 year old baby girl kasi may hernia po sya. Kapag umiiyak po sya ay sobrang laki ng bukol sa may left groin nya. Sabi ng doctor ay hintayin namin na mag 16 months si baby bago iultrasound for further assessment. 13 months pa lang po siya ngaun. Gusto ko pong maging ok po sya paglaki nya. Thank you po in advance.

Đọc thêm