Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dear Tap and Grab... Ang hiling ko po ay para sa asawa ko. Mag bibirthday po sya sa June23. Gusto ko po sana syang sorpresahin ng vitamins suppliments kasi po nag tatrabaho sya sa isang kainan sa may Whiteplains Quezon City. Taga luto po sya dun at alam ko po sobrang pagod po sya dun kasi mag isa lang po syang nagluluto dun. Sinasabihan ko po sya na bumili ng vitamins nia pero ayaw nia... kasi katwiran nia mas kailangan ko daw po ng vitamins kasi buntis ako kaya lahat ng sahod nia pinapadala nia sa amin dito sa pampanga kaya sana mapag bigyan nio ako sa hiling ko para sa asawa ko... maraming salamat po...

Đọc thêm
Thành viên VIP

DEAR TAP and GRAB, GOOD DAY PO TAP AND GRAB WISH KO PO SNA NUNG BIRTHDAY KO NUNG MARCH NAIS KO LNG PO MAPUNTAHAN ANG AKING INA NA MAY SAKIT KAKALABAS LANG PO NG OSPITAL NA NASA ANTIPOLO NGUNIT SA PANAHON NGAYON DIKO MAGAWA +639453318358 SA PANDEMIC NGPUNTA AKO S PNP PARA HUMINGI NG TRAVEL PASS BINIGYAN AKO NG FORM PAGFILL UP KO KAILANGAN PLA MY PLATE NO.NG SASAKYAN SABI PO GRAB NLNG DW AKO WLA NMAN AKO PANG GRAB ALAM KO MAHAL UN LALO N NGAYON PANDEMIC ..GUSTONG GUSTO KO MAYAKAP ANG AKING NANAY NA MAY SAKIT 60YRRS OLD..God bless po sana mapili po ako......😌😌❤😌

Đọc thêm
Post reply image

Hello TAP and Grab Wish ko simple lang, gusto ko mabilhan ng mga needs ang baby girl ko. She's turning 6months on June 18. Wala na kami enough budget for her to buy new clothes and shoes, maski nga milk, diapers and wipes nahihirapan din kami mabilhan siya agad. Wala po kasi ako work for now. Same din si hubby. Sana matulungan niyo po ako TAP and Grab to provide her needs for now habang naghahanap pa po ako ng work. 😊😊😊 Alam ko po na madami po kaming may wish pero sana I'm one of those na mapili. More power and Godbless po. For sure marami po kayong mapapasaya na mga parents, family and babies

Đọc thêm

GOOD DAY TAP AT GRAB . Ang hiling/WISH ko po sana ay matulongan ako para sa gamit ng aking baby para sa aking SPECIAL SOMEONE at gastosin din po sa Ospital. kahit ano po tatanggapin ko . Duedate ko po ay August 17,2020 pero wala pa po ako nabibili dahil nasuspend po ako sa work at nagamit po yung ipon ko nung maglockdown. Nagpacheck up po kasi ako tas nagalit boss ko na umabsent ako pwedi naman daw i adjust, pero hindi naman po pwedi kasi importante din po yun check up para saamin ni baby at pagagalitan din ako ng Ob ko. Sana po mapansin comment ko. Maraming salamat po Asian's parent apps at Tap & GRAB

Đọc thêm

Dear tap and grab Una sa lahat salamat po dahil kahit sa simpleng p paraan ay malaking tulong na sa amin ang pagtupad nyo ng mag wish namin.. Nkakatuwa din ang app na ito dahil marami rin akong natutunan at nàlukuhanan ng mga ideya at mas ndadagdagan yung kaalaman ko bilang isang magulang... Wng wish ko din po sa 2 anak yung sa panganay ko dahil mga grade 1 na siya mgkarun lang siya ng shoes at damit pang school at sa bby ko po ay diaper na lang po..tapos isang foam na tulugan para po may mapaglaruan yung bby kung sakaling mag simula na siyang magcroll. Thank you po.. Sana po mapili po ako

Đọc thêm
6y trước

Tapos na po. Hanggang June 11 lang po ang submission.

Hi TAP&GRAB . Kung Isa man ako sa mapipili ang hiling ko lng ay Aircon para samin Ng baby ko sobrang init kase dito sa bahay namen especially dito sa kwarto namen ni baby Hindi siya makatulog Ng maayos tapos sa tanghali iyak Ng iyak di siya mapakali dahil sa sobrang init mababa lang kase bubong ng bahay namen kaya sobrang init Lalo kpag pa lunch time na . Dalawa na nga gamit namen na efan sa kwarto Kaya lang mainit talaga Yung singaw Ng hangin kaya si baby tinotopak ,pag walang hangin pawis agad siya . Turning 9months na po si baby ko 😍 Hoping to win 🙏💕thank you so much TAP&GRAB

Đọc thêm

Hello TAP. Im a first time mom. Turning 6months old na po si Baby. Sa panahon po ngayon, sobrang hirap magkaroon ng sapat na funds para sa lahat ng gastusin. No work no pay po kaming mag asawa. Wala din pong natanggap na ayuda from the govt. Sakton ipon lng meron kmi na pinagkakasya para maka survive sa araw araw. Gustong gusto po namin bilhan si baby ng crib. Kaya ang wish ko po ay sana magkaroon ng crib si baby. Kahit wooden crib lng po. Or kahit na anong mabibigay ninyo ay tatanggapin po namin. Salamat po for this opportunity. Sana mapili po kami ❤️ God Bless and Keep safe po ang lahat.

Đọc thêm

Hi TAP and GRAB Im a first time mom, currently 7 mos. Pregnant. Because of what we are facing today (pandemic) and no work no pay kami ng husband ko, yung mga naiisip kong bilhin na needs ni baby nawala na parang bula dahil of course kailangan namin unahin yung food, meds, vitamins and basic necessity namin everyday. Sana isa ako sa maswerteng manalo dahil mahal po yung crib, stroller and breast pump. Yun po yung wish ko. Wishing all of mommy here ng GOOD LUCK po sa atin :) Thank you #TAP and #GRAB for this opportunity. Im sure lahat po ng mapipili nyo eh makakatulong sa kanila. God bless po

Đọc thêm

Dear Tap and Grab, Sna po ay isa ako sa mga masuswerteng momshies na makuha nyo, ang wish ko po ay mabigyan ng magagamit ko para sa panganganak ko dahil sa no work no pay ndi padin po kmi nakakabili ng mga gagamitin para sa panganganak ko at sna po ay mabigyan ko kht man lng po ng second hand na mga learning materials ang panganay kong anak na 2 years plng para po ma enhance ang kanyang brain at mas matuto sa mga bagay na ndi pa nya alam gawin napaka laking tulong po nito at magagamit din po ng pangalawa kong anak kapag sya ay lumalaki na din. Godbless po and more blessings to come.

Đọc thêm

Dear TAP & Grab.. Ang wish ko po ay sana mabigyan niyo po kami ng sapat na mahihigaan o matutulugan wala po kasi kami higaan/kutson man lang tanging rubber mat lang po kami natutulog sa malamig na semento. Since kabuwanan ko na din po ngayon eh nagwworry po ako na wala man lang maayos na mahihigaan si baby namin as a ftm, hindi ko po alam na mahirap pala magkapamilya na lalo na't hindi niyo napaghandaan mag-asawa para sa magiging anak niyo. Please sana po isa ako sa mapili niyo, laking tulong napo ito para sa amin mag asawa.. Maraming salamat po! God blessed you po. :)

Đọc thêm