Gaano ka-accurate ang PT sa gabi?

Good eve po, matanong ko lang po sana kung malaki po ba ang difference ng pagtake ng PT depende sa oras? Nag test po kasi ako kamakailan pag-gising ko tapos positive po ang lumabas. Medyo duda pa po ako kasi malabo ang linya pero nag positive ulit sa pangalawa pero sa loob ng parehas na oras. Kaso po dalawang araw after, pinagtake po ulit ako ng gabi, negative na yung lumabas. Nadismaya po kami ng nanay ko kaya nagtake po ulit ako ng test kinabukasan ng umaga, kaso sa opisina na. Kumbaga may mga ilang oras na din from unang ihi, tapos nakakain at inom nako etc. Dun po sa tinake ko non, negative padin. Nung umuwi po ako, nagtake po ulit ako, negative padin. Nagbabakasakali kami ng asawa ko na baka dahil low lang yung hgh gawa ng two weeks palang po from unprotected intercourse tapos kasi nakapag-breakfast na or pagod na sa araw at nakakain inom na. Pusible po ba na may kinalaman yong oras sa pagtake ko ng test? Malaki po ba ang epekto ng oras? Salamat po sa sasagot. #pregnancy #pregnancytest

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pwede po makaapekto lalo na pag di pa ganun kataas ang HCG sa ihi. Kaya po unang ihi sa umaga dahil mas concentrated po. Same brand ng PT po ba ang ginamit nyo? May possiblity din po kasi na yung PT na ginamit hindi ganun ka sensitive sa pagdetect ng early pregnancy.

3y trước

Baka po madaan kayo sa Watsons, try nyo yung Pink Check cassette type nila. Napansin ko mas sensitive sya compared sa iba ko nagamit. Buy 1 take 1 ko nga lang ata nabili. Or kung kya nyo po magwait ng ilang days pa, pag possible mataas na ang HCG, kahit ano na po siguro madedetect na.