Gamot pampalaglag
Good day po meron po ako problema at need ko po muna ipalaglag si baby kasi hindi namin kakayanin. Meron po ba kayong mairerecommend na mbibili ng walang resita. Salamat po. Nasa 6-7 weeks po ako Respecto lng. Hindi nyo alam sakit ko.
Hindi ka sana pumasok sa ganyan na stage na mkipagsex ka tapos pag mabubuntis ka di mo kayang panindigan. Isipin mo kung ikaw yung bata tapos patayin ka ano naman mafefeel mo. Hindi po tama yan na pag iisip. Umayos ka. Hindi ikaw ang kawawa kundi ang bata. Buhay yan mi tapos patayin mo? Kung ipalaglag mo yan mi tandaan mo di lang x1 x2 or x3 yung parusa na matatanggap mo. Mag isip ka ng maayos mi. Di ka ilalagay dyan na sitwasyon na hindi mo kaya. Lahat ng sitwasyon na mahirap mahahanapan yan ng paraan. Isipin mo baby mo wag yang utak na parang walang ka awa2.
Đọc thêmDi magandang option yan dapat may contraceptives kayo kung di pa kayo ready..Ako nga dalawang beses nakunan nagresign sa work para lang di na maulit at pregnant ako ngayon ang prayer ko maging healthy un baby sa tyan ko at may heartbeat..Naiisip ko lagi sana un buhay nung pinalalaglag mapunta na lang dun sa gusto mabuhay un baby sa tyan..Pagisipan mo muna kasalanan yan sa Diyos di kasalanan ng baby na nabuo sya..Maawa kayo sa baby..Pasensya na sa comment ko mapalad kayo at di kayo nawawalan ng baby..😢
Đọc thêmKahit buhayin mo nalang po at ipa ampon, kawawa po ang baby mo may buhay na yan. Sa akin nga nakipaghiwalay boyfriend ko sa akin kahit alam niyang buntis ako. Sobrang sakit sa damdamin at gusto ko na sumuko dahil sa ginawa niya, pero naalala ko yung baby sa tiyan ko, kaya ito nagpapakatatag. Walang kasalanan ang baby mo lagi mo tandaan yan. Blessing yan. Sana magbago pa isip mo, kahit anong problema yan dapat tatagan mo alang ala lang sa baby mo.
Đọc thêmMahirap talaga mag open up ng ganitong topic specially dahil hindi pa legal ang abortion dito sa atin. Pero may mga moms po talaga ang dumadaan sa ganito kahirap na sitwasyon, na kelangan nila mamili. Napakahirap po kasi ina din sila, at mahal nila ang nasa sinapupunan nila. Kaya sana wag po natin i-bash o sisihin ang nanay kasi mas nakakadagdag lang po yan sa depresyon nila.
Đọc thêmSis, pag isipin mo muna mabuti kung gusto mo talaga ipalaglag si baby ako din natatakot sa pregnancy ko kasi sa sakit ko na autoimmune na pwede makaapekto but still pinagpatuloy ko. My case is different so it’s still your decision to make. But, I think mas maiintindihan ka namin if you will share kung ano yang sakit mo. Mahigpit na yakap sayo! ♥️
Đọc thêmMay alam po ako, kasi ginawa ko na din yan. Pero hindi ko po pwedeng i-share kasi ayokong maranasan nyo yung sakit na hanggang ngayon dinadala ko pa din. Sobrang risky po ng pregnancy ko at grabe ang pressure sa paligid dahil breadwinner din po ako. Pero timbangin nyo po ng maigi bago kayo mag desisyon.
Đọc thêmhala po malaking kasalanan po yan kung di nyo po sya kaya panindigan at least man lang buhayin nyo nalang sya at hanapan ng pwede maging magulang nya kasi po maraming couples na di nabiyayaan ng anak po sana wag nyo gagawin kasi wala po kasalanan yung baby
Hindi po namin alam kung ano ang pinagdadaanan nyo, pero wala pong kasalanan yung baby, kasalanan po sa Diyos yan. Napaka dami po couple na nangangarap magkaron ng anak. Blessing po yan. Sana po magbago isip nyo. Pag isipan nyo po mabuti yan.
wala naman binigay si Lord na hindi natin kakayanin lalo na ang Baby Blessing po yan napakagandang biyaya na dapat mo pong ipagpasalamat kasi sayo pinagkaloob sana kung ano man po ang pinagdadaanan nyo gabayan ka ni LORD na makalagdesisyon ng Tama
Hi sis dapat Di kana dto nagtanong nyan wala Rin mkakasagot SAyo nyan SA daming babaeng nangangarap magkababy tas ikaw ipapalaglag mo Lang walang kasalan dinadala mo tas ganyan Lang gagawin mo