Progesterone Heragest (Vaginal Insert)

Good Day Mommies! 🙂 Ask ko lang I’m 16weeks pregnant and first time ko ma experience ung pagsakit ng Puson ko na parang Dysmenorrhea ung feeling pero isang beses lang naman sya sumakit. Nagpacheck up kaagad ako sa OB ko and sinabi ko na sumakit ung puson ko peto wala nman ako any spotting or discharge and niresetahan po ako ng OB ko ng pampakapit eto ngang progesterone heragest po insert daw sa vagina every bedtime. Gusto ko lang i make sure need ko ba ubusin ung 30capsule na nireseta ni doc sakin or okay lang i insert ko lang sya once makaramdam ako ng pananakit ng puson? Sabi kasi nila na kapag nagtatake nadaw ng pampakapit ay mahihirapan ng mailabas si baby ng normal delivery kasi sobrang kapit na daw wala na daw natural na dulas? Totoo po ba yun? Natatakot kasi ako baka ma CS daw pag tinuloy tuloy pag take ng pampakapit. Confused lang po ako. Thank you sa sasagot 😊 Godbless our pregnancy Journey 🥰 #FTM #firstbaby_16weeks

Progesterone Heragest (Vaginal Insert)
21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes mommy sundin mo po c ob.. same sakin ganun din mommy.. naubos kuna pero ang pagbtake q po ay iniinum d sya ininsert sa puerta

Meron din po ako ganyan reseta si OB pero Oral po sakin. I got 2 yolksac but 1 lang yung may baby. 12 weeks palang po kami.

Sundin mo lang po ang OB. Nagtake rin ako ng ganyan. Dalawa pa nga. May isang klase pa. Nakapanganak naman ako ng normal.

Buti nga sayo every bedtime lang sakin 2tab every morning and 2tab every night.... 7weeks and 3days preg palang ako

nkatatlo ako gumamit niyan.. tpos may sunod sunod n lumalbas n tubig natural b yun sa pag gamit ng progesterone?

3y trước

ahh kala ko hind.. kasi kusa n xia lumlbas.. kya nhinto ko eh.

5 weeks po ako nag take ng heragest daily . Nawala na po pananakit Ng puson ko . 25 weeks na po ako ngayon

Kayo po kung sino paniwalaan niyo yung doctor na nag-aral ng ilang taon o yung sa hearsay lang.

3y trước

Kaya nga momsh eh. Nagpaconsult pa sa OB pero mas pinaniniwalaan pa din yung sabi sabi ng ibang tao. Sana don na lang sila kumunsulta.

Ako po ganyan dn reseta ni OB pero sabi nya sakin maglagay lng daw ako pag sumasakit puson ko.

sundin mo nalang sinabi ng ob mo. ganun din ako, pero safe naman yan. duphaston naman nireseta sakin

3y trước

gaano ka po katagal nagtake duphaston sis?

sundin mo ob mo sis yan din reseta skn yan ang importante mkakatulong sainyo ni baby