Hi. Just wanna tell a story about my life.

Here we go, im 22 years old and base in this app im 11 weeks & 4 days pregnant. Naging kami ng boyfriend ko august 18 2019, ON and OFF kami dahil sobrang seloso nya. Maliit na bagay pinapalaki nya ginagawa nyang big deal at wala syang pinipili kahit sino pnag seselosan nya. So, to make the story short nalaman ko na buntis ako mix emotions yung naramdaman ko nun at ng sinabi ko na sa boyfriend ko hindi sya natuwa o naging masaya manlang. Ayaw nya panindigan yung anak namin dahil ayaw nya maniwala na sya ang ama sabe nya pa sakin kpag tnuloy ko yung pagbubuntis ko ipapa dna test nya daw yung bata. Pumayag ako, pero kung ano ano ang natanggap kong salita sa kanya. Sa oras na yun parang kong pnagbagsakan ng langit at lupa dahil hndi ko alam ang magiging reaksyon ng pamilya ko kpag nalaman nila na buntis ako ayaw panindigan ng tatay. Sobrang kahihiyan dadalin ko sa pamilya ko. Ang laki ng expectation nila sakin kaya alam ko na ma didissapoint sila kpag nlaman nila na buntis ako. 1month na kami walang communication nung lalaki ilang beses ako nagmakaawa na panindigan nya lang kahit hndi na nya sustentuhan pero sobrang tigas nya at pinipilit nya pa rin na hndi sya ang ama. Okay guys sabhn ko sa inyo kung bakit ganun sya dahil may nakita nya yung cellphone number ng ex ko sa phone ko. Naka save pero wala na kaming communication nung ex ko sbe ko nga sa inyo sobrang seloso nya mkita nya lang na may kausap ako o may magtanong lang sakin na lalaki iisipin nya na lalaki ko na agad. Ganun sya, ganun sya ka desperado. Ngayon nagpapanggap pa din ko dto sa bahay na parang wala lang. Pero pag sapit ng gabi hindi ko maiwasan isipin yung ginawa sakin ng lalaki na yun. Wala syang puso, Hindi na sya naawa sa anak namin. So tama ba na hinayaan ko nalang sya at wala akong ginawa para mag dusa sya sa ginawa nya sakin. Totally, walang wala ako ngayon nag resign ako sa trabaho ko nun dahil hndi ko na kaya yung puyat at pagod. Naisip ko na ipalaglaga yung baby dahil may nag sbi sakin na dugo palang naman daw. Pinag isipan kong mabuti yun pero hindi ko tnuloy sobrang depress ako sa mga panahon na yun. Gusto ko lang marinig mga opinion nyo. Thank you ?

68 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sabihin mo po sa mommy mo. I'm a college student, mahirap mang sabihin pero natanggap din nila. Sila na Lang kasi yung masasandalan mo kung wala yung hubby mo. Lalo na pag nai-stress kana at depressed kaya kailangan mo ng kasama at mapapagsabihan.

Blessing po yang baby na yan, wala po syang kaalam alam sa nangyayari sana po ipagpatuloy mo po yung pagbubuntis mo. Wag po kayo makinig sa nagsasabi na dugo pa lang yan kasi may buhay na po yan. Pray ka lang po 🙏 magiging okay din po ang lahat

Ate wag mong ipalaglag kasi kaw rin mag sisi sa huli.. Kung ayaw nang lalaki wag mo na lang pilitan andyan naman yung pamilya mo. Isipin mo na masaya ka kahit wala yung ama nang anak mo.. Pag kaluwal mo ngingiti ka na kasi andyan na baby mo..

Blessing ang baby, kahit na dugo pa lang sya may buhay pa rin yan mommy. Kung di ka nya kaya panagutan hayaan mo sya pero wag mo idamay si baby, pag labas ng baby mo malaking sampal sa kanya yan lalo na kung kamukha ni daddy.

Thành viên VIP

Hndi nyo po sya deserve ng baby mo. Mukhang adik yang bf mo e. Gawain ng adik yang puro duda. Nakakabwisit. Kayanin mo mommy. Kesa naman magsama kamo araw araw kang pahihirapan nyang bf mo.hyaan mo kakarmahin din yan

Buti pinili mo paren ang sabe Ng puso mo😊 Wag Ka mag alala may magandang Plano ang Diyos sa inyong mag ina.lage Ka magdarasal lalo na kapag pakiramdam mo pagod kana.. Nakikinig sya,Hindi sya maramot 😊

Bata ka pa naman mommy, pero big blessing ang dala ng baby mo. Hayaan mo at sya din naman ang maghahabol sayo sooner or later. Pray ka lang kay god malalagpasan mo yan. Blessing ang baby mo, always remember that.

5y trước

Don't on ur baby, it's God's gift.. be strong.. malalagpasan mo rin yan.. pray ka lang.. also put in mind that abortion is a mortal sin on which dadalhin mo yan habang buhay sa konsensya mo.. kpag nailabas mo na si baby.. all the pain and sacrifices will fade away..

Hi, never ever give up. Nangyari rin yan sa friend ko. And that baby is a gift from God. Kayanin mo. Tanggapin mo.. Maging happy ka even though wala ang ama. You will be blessed soon.

Influencer của TAP

Hi there! Blessing ang bawat bata and yes tama ung decision mo for keeping the baby. may mga support groups na makakatulong sayo. do let us know if you’d be willing na makausap ka nila 💙❤️

I've been there. I chose that stupid guy over my baby.. and til now I regret it. Wala siyang bayag. Set yourself free and move on. If he loves you, tatanggapin niya yung bata. Sakanya man o hindi!