A Story to read

Gabing-gabi na...patay lahat ng ilaw. Halos wala kang makikita kundi ang kakarampot na aninang ng ilaw na galing sa labas. Katabi ko matulog ang bunso kong kapatid. Naalimpungatan ako at medyo nagulat nang bigla siyang umupo mula sa pagkakahiga na tila nagdadasal. Ang sabi ko pa "ay wow nagpe-pray" (eh hindi naman madasalin un dahil bata pa nga at takot sa dilim). Mala-anino na ang itsura na tila nakaupo dahil nga sa puro patay na ang ilaw. Hindi ko ito masyadong pinansin at bumalik ako sa pagkakapikit, mga 2-4 na segundo lamang ang nakalipas ay idinilat ko ang aking mata para tignan siya muli dahil hindi ko naramdamang tapos na siya manalangin at nagulat ako...napakahimbing ng tulog niya na tila hindi naman gumalaw mula sa pagkakahimbing. Natakot ako dahil sinong anino iyon kung hindi naman tlga nagising ang aking kapatid? #MagandangGabi

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

🎃😱🎃