Pre Natal Milk

FTM 22 weeks pregnant. Super curious lang mga momsh. My ob prescribed me to drink anmum materna twice a day. At dahil napansin ko na marami dito dine-discourage ang pag take ng anmum or kahit ano pre natal milk, napaisip ako kung safe ba talaga uminom ng pre natal milk or susundin ko ang ob ko. Napansin ko na madami dito against sa pre natal milk because of high sugar content. Pero just an observation, pag umiinom ako ng anmum, matabang sya at di sya matamis at all. (kahit yung choco flavored) mas matamis pa nga actually ang fresh milk. Kung ichecheck din natin ang sugar level nito 16g per 100g lang naman sugar level nito. Plus, may mga kasama pang essential vitamins and minerals. Kaya di ko po maintindihan bakit sinasabi ng iba na hindi ito healthy. Minsan kasi hindi ko din makuha ang enough amount of minerals from foods or fruits that i eat. So i guess there's no harm in taking pre natal milk? What do you think mommies? Let me know your thoughts.

65 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Safe nman po mommy. Ako din po nagddrink ng anmum choco, 34weeks now. Pero di na po ako nag aadd ng sugar. Hindi kase tlga ako nagaasukal maski sa milk. Ok naman kmi ni baby. Normal nman blood sugar ko. Natural lang din nman na lalaki yung baby sa chan kase nagdedevelop sila 😅 hindi nman po magrereseta ung ob ng makakasama sating mga buntis at sa mga babies natin 😊

Đọc thêm

tama po si ob naten mommy nakakadagdag healthy po kay baby ang milk at tama naman po kayo d mataas ang sugar ng Anmum dahil yan den iniinom ko at tamang tama lang sa panlasa ko ang tamis nia 😋 may kani kaniya na lang po cguro talaga tayong paniniwala nasa sayo naman po un kung sino sundin mo ineexpress lang po nila ung kanilang habbit as preggy mom 🙂

Đọc thêm

dpat po tlga uminom ng maternal milk ang buntis dahil andun ung mga kulang na sustansya na di nasusupply s ktwan ng pregnant daily (from the food na kinakain). sundin mo OB mo dhil hndi nman cla mg prescribed if delikdo pra sayo and s baby.. ako ng anmum ako hanggang 5 months ang tiyan ko before then pg ka 6months I stopped kc medyo malaki na c baby

Đọc thêm

Until 6months nag anmum plain milk ako kasi nga hnd naman lahat ng nutrients nakakaen naten,pang support lang yan. Once in a day ako nun uminom sa gabi lang. Actually sabi ng OB ko not needed yan pero ayos lang naman kung gusto ko daw as long as healthy diet,take your prenatal vits at exercise. Baby ko 2.7kgs via NSD. Nasa diet lang tlaga yan.

Đọc thêm

Okay naman ung anmum. I think yung issue ko lang is ung serving recommendation niya. Masyado talaga matamis if susundin mo ung 4 tablespoon sa 200ml. So kalahati lang nilalagay ko, 2 tbsp na anmum sa 200ml. Then loyal ako sa pagtake ng vitamins ko. As of now, hindi malaki ung baby ko. Just the right weight and size.

Đọc thêm

malaking tulong po ang prenatal milk sis.. dagdag nutrients dn po yan kay baby sa loob, ako po anmum choco sa 1st baby ko and now sa 2nd still un pdn.. ung ibang mommies na di nag tatake ng anmum po is napapangitan sa lasa pero para kay baby nman po un at dpat nating tiisin.. saka nakakapag boost dn po breastmilk

Đọc thêm

Nagstart ako uminom ng Anmum 6months hanggang s manganak ako.. And for me maganda nman sya inumin ng buntis at hndi yun irerecommend ng OB kung ikakasama mo yan at ng baby mo. Maraming nutrients at ibang health benefits pa ang makukuha nyo ng baby mo pag uminom k ng prenatal milk.. Plus good diet.

I think hindi naman sa it's not healthy. if you're complete with pre-natal vitamins, pwedeng hindi na siguro sya itake but if kung minsan hindi nakakapag vitamins on time or nadedelay ng bili dahil lockdown or what, pwede siguro sya as supplement din since it has some of the minerals na nasa prenatal vits.

Đọc thêm

I'm drinking anmum. Nung una once day lang, but recently medyo nagbehind sa sukat si baby, kaya ginawa ko yung prescribed na twice a day. Nakahabol na si baby ng sukat. Of course tamang kain din. Marami kasing nutrients na andon na pang supplement kay baby. Lalo na sa brain development nya.

Idk why most of preggy moms doubt their doctors but depend on them in the most crucial part of their pregnancy (giving birth), kapag sinuggest ng dr sundin mo san ka pa makikinig sa taong halos dekada nagaral sa medisina o taong bumabase lang sa experience nila.