Okay lang po ba magpalit ng OB @36weeks?

Ftm po. Parang mejo nag aalinlangan lang po kasi ako sa current OB ko parang mejo hindi po ako kampante. Mejo unresponsive saka mejo malayo yung hospital saamin. Kung aabutin ako manganak ng rush hour baka abutin ng 1hr biyahe pa ospital. Balak ko sana lumipat ng OB sa hospital malapit dito saamin mga 10mins away lang. Inaalala ko lang if ok pa po ba lumipat ng OB since kabuwanan na din po. Or if ever, ang gagawin nalang namin is magcoconsult kami sa OB dito sa hospital malapit samin para if ever man na dito abutab ng panganganak, may OB na kami na naconsult at alam ang medical history. At may nakaexperience na din po ba ng ganito sa inyo? Salamat po sa sasagot.

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello yes ma, ako po ka bwanan na din sabi ng o.b na nilipatan ko, iba din kutob ko dun sa recently na pinanggalingan ko na o.b po, pumapayag ang mga ob or mga midwife, basta yung mga docs dala mo lagi or may photo copy po kayo, para may babasihan po sila.

Thành viên VIP

Pwede sis basta dala mo mga results ng lab at history ng check ups mo. Nakaprivate ob ako pero advise sakin ni ob if want ko manganak public hospital, magpacheck up na ako doon pero monitor pa rin nia ako.

Lumipat din ako ob, magaling naman ob ko from la salle pa nga eh. Kaso inaalala ko yung byahe kase sa dasma sya affiliated tas ako nasa noveleta baka di abutin. Dala ko lang lagi mga docs ko.

Oo naman basta tago mo lang laht ng docs at may papapirmahan lang yan na waiver sa inyu.. Ako 3x nag palit ng ob