CS tahi na bumuka
FTM here. Mag 1 month na po since na CS ako. Akala ko okay na ako kasi nagheheal na yung tahi then nung isang araw biglang bumuka yung dulo ng tahi ko and may lumabas na laman (bikini cut). may nakaexperience po ba ng ganun? Bumalik ako sa OB then I was advised na una na lagyan ng betadine then mupirocin then pinapalitan ng NSS with Magnesium Sulfate then gauze. Nadedepress ako kasi di ko maalagaan yung anak ko dahil sa situation ko pati husband ko dalawa kaming inaasikaso and nahihirapan din sya. May nakaexperience po ba ng same situation sa akin? paano po ang ginawa nyo para magheal agad. :(