First Time Mom (Postpartum Depression?)

FTM 5 days postpartum C-section Hello po. Gusto ko lang po sana na maglabas ng sama ng loob at humingi na rin ng payo. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin at mararamdaman. Una po, regarding sa breastfeeding. Gusto ko talaga sana na i-EBF si baby. Kaso three days pa lang after ko manganak, wala nang madede si baby. Umabot sa point na na-dehydrate na siya. Kasi kahit anong latch, wala nang lumalabas. Kaya pinag-formula ng pedia niya. Kaso bawal ang formula milk sa hospital kaya that same day, 3 days pa lang, lumabas na po kaming dalawa sa hospital. Ngayon, ayaw na talaga mag-latch sa akin ni baby. Binasa ko na po lahat ng tips dito, at sinubukan na pero ayaw na niya. Mas gusto na niya yung bottle. I continuously try pumping, pero wala po talagang lumalabas. Umiinom naman ako ng mga supplement at kumakain ng masasabaw, usually may malunggay din lagi. Nafu-frustrate at nade-depress na po ako. Pero pinipilit kong maging okay kasi alam kong mas makakaapekto yun sa milk supply ko. May pag-asa pa po ba akong makapagpa-breastfeed uli o talagang dapat na kong sumuko? Second po, since three days pa lang po after ng C-section ay umuwi na po kami, alam ko po sa sarili ko na di ko pa kaya. Ang hirap kumilos. Masakit lahat. Namamanhid pati paa at kamay. Pero naaawa po ako sa husband ko kasi dalawa lang kami sa house. Puyat at pagod na siya, simula pa sa ospital. Sinusubukan kong tumulong kahit ayaw niya. Sinisikap kong gawin yung mga simpleng gawain pero ang ending, dalawa pa kaming need alagaan ni baby. Like yesterday and kaninang tanghali, nilagnat ako. Tapos ngayon, masakit yung area malapit sa incision ko kaya nahihirapan akong tumayo. (Hindi po ako nagbubuhat ng kahit ano, bukod kay baby.) Naaawa na po ako sa kaniya. Tapos sinisisi ko na yung sarili ko kasi dapat normal delivery ako kaso di ko kinaya (dahil may hika ako na sumabay during delivery) kaya na-emergency cs. Gusto ko na lang umiyak kasi parang sobrang pahirap ako. Ilang araw pa lang pero pakiramdam ko wala akong kwentang nanay at asawa dahil sa ganito. Sorry po sa long post. Thank you sa sinumang magbabasa at magbibigay ng payo o pampalakas ng loob.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same few days nakaramdam ako nyan , feeling guilty sa lahat , regret na sana di ganito sana di ganyan , super irita ako sa lahat ng bagay naiiyak nalang ako kapag ngagalit ako buti nalang mga tao sa bahay mahaba pasensya and malaking tulong sila sakin kc lahat sakin 1st time. naawa ako sa hubby ko kc sya nag susuffer ng depression ko sa kanya ko kc na bubuntong lahat ng inis ko . ung baby ko sa rindi ko sa iyak nang gigil ako nahawakan ko sya ng mahigpit i felt guilty nung time na yon at sabi ko kaya ko to di ako papa talo di pwedeng ganto. kaya hanggang maari iniiyak ko ng iniiyak , last nyt iyak ako ng iyak sa mga nangyayari savi ng asawa ko bakit daw sabi ko di ko alam basta ang bigat bigat tlaga ng feeling ko. hayyyss much better napapalibutan tayo ng mga taong di man alam ung tunay na kondisyon natin pero tutulungan tayong mapagaan ung sitwasyon ung di tayo sasabayan sa stress

Đọc thêm
4y trước

Salamat sa pag-share ng experience. Virtual hugs sa iyo. Sana okay ka na mii. Supportive din naman yung asawa ko saka yung mama ko na pumupunta from time to time. Kaya lang, hirap talaga makaramdam ng guilt. Lalo na kapag umiiyak si baby kasi walang milk. May formula naman pero plan ko sana kasi talaga na EBF tapos ganito nangyari. Yung asawa ko, kapag pagod na, di na maiwasan magsungit lalo na nung halos 2 days na walang tulog pero nagsosorry agad kasi di naman niya sadya pero nakakadagdag sa guilt ko. Yung mama ko naman nakakainis minsan. Dahil kulang breastmilk ko, na-overfeed niya ng formula si baby. Mas naawa ako kasi nagsuka na, dumumi pa ng tubig. 1 week pa lang kami ngayon, 2oz straight agad pinainom niya. Tapos ako pa masama nung sinaway ko. 🥺🥺🥺