First Time Mom (Postpartum Depression?)

FTM 5 days postpartum C-section Hello po. Gusto ko lang po sana na maglabas ng sama ng loob at humingi na rin ng payo. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin at mararamdaman. Una po, regarding sa breastfeeding. Gusto ko talaga sana na i-EBF si baby. Kaso three days pa lang after ko manganak, wala nang madede si baby. Umabot sa point na na-dehydrate na siya. Kasi kahit anong latch, wala nang lumalabas. Kaya pinag-formula ng pedia niya. Kaso bawal ang formula milk sa hospital kaya that same day, 3 days pa lang, lumabas na po kaming dalawa sa hospital. Ngayon, ayaw na talaga mag-latch sa akin ni baby. Binasa ko na po lahat ng tips dito, at sinubukan na pero ayaw na niya. Mas gusto na niya yung bottle. I continuously try pumping, pero wala po talagang lumalabas. Umiinom naman ako ng mga supplement at kumakain ng masasabaw, usually may malunggay din lagi. Nafu-frustrate at nade-depress na po ako. Pero pinipilit kong maging okay kasi alam kong mas makakaapekto yun sa milk supply ko. May pag-asa pa po ba akong makapagpa-breastfeed uli o talagang dapat na kong sumuko? Second po, since three days pa lang po after ng C-section ay umuwi na po kami, alam ko po sa sarili ko na di ko pa kaya. Ang hirap kumilos. Masakit lahat. Namamanhid pati paa at kamay. Pero naaawa po ako sa husband ko kasi dalawa lang kami sa house. Puyat at pagod na siya, simula pa sa ospital. Sinusubukan kong tumulong kahit ayaw niya. Sinisikap kong gawin yung mga simpleng gawain pero ang ending, dalawa pa kaming need alagaan ni baby. Like yesterday and kaninang tanghali, nilagnat ako. Tapos ngayon, masakit yung area malapit sa incision ko kaya nahihirapan akong tumayo. (Hindi po ako nagbubuhat ng kahit ano, bukod kay baby.) Naaawa na po ako sa kaniya. Tapos sinisisi ko na yung sarili ko kasi dapat normal delivery ako kaso di ko kinaya (dahil may hika ako na sumabay during delivery) kaya na-emergency cs. Gusto ko na lang umiyak kasi parang sobrang pahirap ako. Ilang araw pa lang pero pakiramdam ko wala akong kwentang nanay at asawa dahil sa ganito. Sorry po sa long post. Thank you sa sinumang magbabasa at magbibigay ng payo o pampalakas ng loob.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello momsh. sana ok ka habang binabasa mo ito. usually po 3 days talaga bago mo makita na may lumabas na gatas sa iyo yung tipong tutulo siya pero it doesnt mean na wala syang nadede. kaunti lang po need na milk pa ni baby dahil newborn plang siya. kung nais mo mag ebf, dedecation talaga ang key. number 1 na nakakatulong para mapadami ang gatas mo is yung tamang pag latch ni baby. ma kwento ko nlang din, dec 15 ako nanganak via cs din at ftm sa public hospital ako nanganak. bawal bantay sa loob sa ward kaya sariling sikap talaga sa pag aalaga sa sarili mo at kay baby. masakit oo ang CS pero kasi need natin maging matatag dahil mas kawawa si baby dahil wala siyang ibang aasahan. so a few hours after ako ko operahan, nag try na ko tumayo at magkakad lakad para maoatawag yung bantay ko (kapatid ko) pero para lang kunin ang mga gamit namin ni baby. bawal pa rin kasi talaga ang bantay sa loob ng ward dahil na rin sa pandemic pa. so mag isa lang talaga ako sa pag aalaga kay LO. iniisip ko nlang need ko gumalaw dahil ayaw ko magtagal sa hospital at need ako ng anak ko. noong nasa hospital ako, akala ko nakakadede siya ng maayos sakin kasi d naman siya iyakin at panay lang ang tulog. kaso nung pag uwi namin sa bahay (dec 16) napansin ko iritable siya dun ko na realize na d siya maka latch sakin dahil flat ang nipples ko. gusto ko rin talaga ebf kaso since ganyan nga, nag pump na agad ako dahil takot ako na d siya makainom ng gatas ko via cupfeed. thankfully, nagka gatas na ko. hanggang sa lumipas ang 4 na araw, mo. ayaw na rin niya ng cupfeed at nag resort na ko sa bottle feeding (gatas ko pa rin naman) Nag breakdown ako kasi ayaw nya talaga mag latch sakin. as in dun ko naramdaman ang post partum depression. yun tipong may gatas ka naman kaso ayaw dumede sayo ng anak mo. tapos wala pa yung partner mo sa tabi ko kasi nasa ibang lugar siya. kahit na may kasama ako sa bahay (mama at pamangkin ko) d naman nila ako matutulungan sa problema ko kasi nga wala naman sila gatas rin. naghanap pa rin ako sa paraan para makatulong sa pag latch. hanggang sa nabasa ko sa breastfeeding pinays (fb page) na "ang baby tatanggapin niya lang lahat ng ibbgay natin sa kanya dahil wala naman siya idea pa sa nangyayari. kung gusto mo matuto siya dumede sayo, dapat dede ang ibigay mo at hindi bote. no excuses". naliwanagan ako dun sa post na yun momsh kasi tama nga naman na wala pa isip c LO para mag judge na eto gusto niya etc. so nilakasan ko ulit loob ko. nag try lang ako ng try hanggang sa kaninang madaling araw successful na ako sa pagpapadede sa kanya. ang mapapayo ko nlang sayo, try mo observe so LO kung bakit d siya nakakapaglatch. baka kasi mali yung position mo flat nipples mo etc. may mga techniques naman para makatulong satin para mapalatch si LO. trial ang error talaga sa breastfeeding. i try mo mag search sa tiktok at youtube ng videos ng proper latching (ako kasi mas gusto ko may nakikita akong demo para madali gayahin hehehe) sana po maging successful rin ang ebf journey nyo ni LO. ❤️❤️ tip pala. drink ka lang ng water (like 3-4 liters everyday) para dumami supply mo. then iwasan ang stress be happy lagi kasi nafefeel ka rin ni baby kapag happy or sad. laban lang momsh kayang kaya mo yan ❤️❤️ and inuman mo lang ng paracetamol + tramadol everytime na sumasakit ang tahi mo. yung kasi ang nireseta sakin ng hospital pagkalabas ko. then need mo talaga gumalaw momsh para masanay ang katawan mo at makapg recover agad.

Đọc thêm
4y trước

gawin mo lang sya na every 2-3 hkurs na pumping session mo momsh para mav signal sa brain mo to produce milk. law of supply gndemand kasi ang breastmilk. then mas makabubuti na i pa latch mo c baby. ganun talaga sa una hirap kayo oarehas ni baby sa oag katch kayo parehas kayong d aware sa tamang technique pero in time matutunam nyo rin nyan. basta momsh nood ka.lang nung mga tutorial videos na sinabi ko amg alwats observe c LO nat siya nahihirapan mag latch. ako umabot kami ng 5 days bagoniami naging successful sa latching. tyagaan lang talaga momsh