Pagkarga kay baby (Tamang paghawak/pagkarga)
Firsttime mom here, hello po nanunuod po ako sa youtube or google ng mga tamang paghawak kay baby. kung pano po pagpapaburp and kahit po sa pagdede nya. medyo hirap lang po magadjust kasi lagi ako nasasabihan na wag ko daw kinakarga ng kinakarga si baby, kapag pinaburp ko naman po sinsabihan po ako na makukuba si baby, kapag pinadede kopo sinasabihan po ako na mapipilayan daw po sakin yung bata. na tense and pressure po ako everytime na karga ko si baby kasi lagi ako nasasabihan. kapag tinatanong ko naman po kung pano yung tama or kapag nagpapaturo po ako, kinukuha lang sakin si baby at sila na daw bahala. feel kopo tama naman yung way ng paghawak ko kay baby kasi hindi naman sya umiiyak or iritable.