HOW TO BOOST BREASTMILK?

First time mom 4 day old baby girl Hello ask lang po kung paano nyo napadami ang breastmilk nyo? I'm a first time mom po. Mula nanganak ako, nagkalayo kami ng baby ko ng 2 days kasi na NICU sya :( Nakakaaffect ba yun kaya wala akong gatas ngayon? Pinapalatch ko si baby kaso di ko alam if may nakukuha ba sya talaga saken. Chinecheck ko yung poop nya, color green. Yun pa ata yung mga kinain nya nung nasa tyan ko palang sya. Hindi rin gaano napupuno ng ihi yung diaper nya. Nakakafrustrate na magkagatas :( Umiinom po ako ng Natalac sinasabayan ko pa ng Milo. Sinubukan ko mag manual pump pero super sakit. Ano po ba talaga dapat kong gawin? :( #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

HOW TO BOOST BREASTMILK?
59 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy kain ka halaan with malunggay or tahong na may malunggay. Promise effective. Ok din yan natalac 2x a day tapos un momma love drink ka din nun and shempre unli latch. Tiisin mo un sakit ganyan na ganyan ako dati tapos pump din.

same mamsh un din prob ko... pinipilit Kong ipalatch Kay baby para lumakas gatas ko kaso ayaw ng LO ko sa nipple ko...😔as of now umiinom ako ng moringa capsule 3 times a day ngbabakasakali na makatulong pra lumakas gatas ko...

Massage mo dibdib mo mommy hanggang breast. Higop ka mainit na sabaw. Mas ok kung my malunggay.. Ganyan tlga newborn baby hindi pa cila masyado maihi. At dark green pa poop.. Mgging normal din po yan. ❤️ ❤️ ❤️

Thành viên VIP

Momsh, buti napalatch mo pa baby mo kht nasa NICU. Ako si baby ko for 5days hnd ko sya kasama, pinump ko 1-2day nakakuha ako gapatak pero hnd ako huminto. Ayun hanggang sa dumami. More on water ka. Sana umokay na baby mo.

Thành viên VIP

actually iba iba pp tayong mommy pero try nyo po mag unli latch kay baby bonding nyo na rn 😊😊 then drink a lot of water tapos po more malunggay pwde rn pong ung pinagkuluan mong malunngay un na rn gawin mong tubig.

tinolang manok mommy o kahit anong ulam na may sabaw na pwedi sa bagong panganak wag Lang Po ung may bagoong ah 😁😁 para magkaroon kaPo Ng milk tas suklay suklayin molang ung dede pamahiin Ng matatanda 🥰

Mag milk ka or milo every morning of twice a day mamsh. Kain ka ng masasabaw na food like tahong, tinola basta masabaw then bili ka ng malunggay crackers and milk. Nakakapag parami din ng gatas ang shrimp.

so cute nmn ni bby girl. lagi mo po pinapadede c baby mamshie para tuloy2x ang pagdami ng gatas nyo. at lagi ka nag uulam ng may sabaw. like halaan, or tinolang manok na may gulay, or. beef masabaw din.

Try niyo po mag Lacta Flow tapos lagi po kaung magsasabaw sa ulam. Ako po tinola na may malunggay at medyo hinog na papaya madalas ulam. 4 months na po akong pure breastfeeding. 1st time mom din po ako.

Eat healthy foods lang Momsh! Tas masasabaw dapat ang inuulam at kinakaen mo. Keep yourself hydrated din po. Ako po bago pa lang manganak ang lakas na agad ng milk ko, tuwang-tuwa nga Pedia ng LO ko.