39 weeks and 3 days
FINALLY MGA MIH, nakaraos na rin sa wakas. 10pm pumutok panubigan ko.. dineretso nako dinala sa lying in. Bandang 1am dumating yung midwife and balak na sana ako itransfer para maCS kasi cord coil si baby double loop at walang labor. Pero tinanong nya ako if gusto ko sabi ko ayoko maCS, then ayun induced labor ako mga mih pinatulog muna ako then mga bandang 4am ngstart na, nglabor ako hangga 7am mangiyak ngiyak talaga ako sa sakit. Finally 7:30 i gave birth to a princess. Bawi ang sakit tlaga.

