No signs of labor yet

Exactly 39 weeks today.. since last week 1 cm pa rin, no progress. Nakakatakot maoverdue. 3x a day na rin ang primrose. Any tips po sa mga tulad ko na no sign of labor puro hilab lang ng puson at di pa tuloy tuloy.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako din, no signs of labor pa. 39 weeks and 3 days. super lakad and squat na, wla padin. balak ko na magpa admit kpg wla pa sa ika-40 weeks. pero hopefully, makaraos na bago pa mag-40 weeks. prayers and more exercise po sa atin. 🫰🙏

Ako 39weeks and 5days panay paninigas lang ng tyan pero walang discharge. Nag start ako na ako primrose nung 37 weeks sabay ng hyoscine pero wala pa din 1 cm pa din hanggang ngayon. Nakakakaba kasi 3.6kg na si baby

Influencer của TAP

ako mii, hanggang 40weeks na walang sign of labor. kaya nagpa-admit na din kasi natatakot ako na baka dumumi na si baby sa loob.

6d trước

same here momshi.. 39 weeks Nako tom. galing ako sa lying in kung saan ako nagpapacheck up. naka ilang I e na ko nagstart Nung Aug 2 . 36 wks and 2 days ako first i-e Sakin 1cm na daw mataas pa. tapos pinagtake na ako ng primrose 3x a day within 7 days tapos balik ako ulit Nung 8 i-e ulit still mataas pa din 1cm pa din tinamad ako uminom ng primrose kasi timbang ko lang Ang tumataas Hindi Yung cm ko huhu ilang Araw balik na naman ako Aug. 15 for follow up check up di Muna ako in i-e. binigyan lang ako ulit ng primrose pinapasalpak sa pempem 3xa day din. tapos continuous sa multivitamins and iron pati calcium. tapos diet. Ngayon naman kababalik ko lang ulit Aug. 19 38 wks 6 days Nako still no sign of labor, 1 cm pa din base sa pagka I e Sakin kanina. so syempre as a 2nd time mommy medyo kabado bente Kasi 39 wks Nako tom. Wala pa ding hilab, o mucus plug na lumalabas. puro white discharge lang, paninigas ng tiyan, puson, balakang tapos mawawala sasakit mawawala. hayst di ko na alam mi na