12 hours labor😩💕
EDD: DECEMBER 09,2020 DOB: NOVEMBER 29,2020 November 28 at 8pm, nagsimula ng humilab ng tuloy tuloy ang tiyan ko, Halos sumuko na ako at mawalan ng lakas😩, kaya Pinilit ako nila mama at asawa ko na dalhin na ng ODH kahit na ayoko pa dahil 2cm palang naman ako at baka pauwiin din ako. Nung makabyahe na papunta ODH nananalangin ako habang iyak ng iyak sa sobrang sakit at nakakapag salita na ako ng tuloy tuloy na "IN JESUS NAME"🙏🏻 Pagdating namin Ospital Sa paanakan na IE nanaman ako at 3-4 cm na daw, pinahiga muna nila ako at sumunod na minuto mga 10pm na IE nanaman 4-5 cm na daw.Inadmit na nila ako at tinurukan ilang beses ng pampahilab habang ako Tinitiis ang napakasakit na hilab. Hanggang sa in I.E nanaman ako 7cm na.. Doon nakaramdam na ako ng parang natatae sa sobrang tindi ng hilab😩😥 Inisip ko nalang talaga na para to sa buhay ng anak ko🙏🏻🤰🏻 Pinahiga na nila ako sa paanakan at tinry ko na umiri pero di pala talaga ako marunong. kapag humilab doon ko lakas na iiri para mailabas ko pero nung icheck nila si baby medyo mataas pa.kaya pinabalik ako sa higaan,😥🤦🏼 Di parin ako makatulog kahit anong pilit ko dahil sa tuloy tuloy na hilab at parang taeng tae na ako. Kinabukasan November 29 mga 6am sumigaw na ako na lalabas na ang tae ko na di ko mawari kung si baby ba or yung dumi ko😩 Kaya sinimulan ulit ako e IE at sobrang nipis na daw ng Cervix ko. Eto yung part na di ko malilimutan ang Umiri ng sobrang sakit😂😩 nakita na ng mga widwife ang Ulo ni baby ko at ang haba daw ng buhok neto pinapalakas nila loob ko, eh di nga ako marunong umiri kaya ginawa nila pinush nila ang simura ko habang umiiri at buong lakas kong nilabas si baby (7:00am) 🙏🏻💕 SUCCESS para akong nabunutan ng tinik😂 At narinig ko agad ang iyak nya💕😍 Habang pinatong sa tyan ko si baby na napaka init😅 At laking pasasalamat sa Diyos dahil di nya kami pinabayaan🙏🏻💕😇 SHARE KO LANG PO ANG EXPERIENCED KO DAHIL 1ST MOM AKO💕😇 Thank you so much💕