NORMAL NA NAGING C'S 😩

Edd: Dec 22 2022 Dob: Dec 14 2022 Via C.s 3.5kilo Dec 14 3AM nag start na humilab tyan ko ung hilab na kaya ko pa. 11AM pasakit na ng pasakit kaya pumunta na agad kami ng hospital, Pag ka I.E sakin close cervix pa daw kaya pinauwi muna ko no choice ako kahit masakit ndi ako pde mag stay sa hospital need ko daw mag pahinga. Aun na nga hanggang sa nakauwi na kami nagpahinga ko tapos kain konti maya maya (4pm) sobrang sakit na halos mamamatay sa ko sa sobrang sakit may discharged na din na watery brown nagpadala na agad ako ng hospital pag ka I.E sakin 7cm na kaya inakyat na agad ako ng delivery room, inabot ng 8pm ayaw pa din nya lumabas kahit anong ire gawin ko ndi talaga sya bumababa, hanggang sa humihina na daw ung heartbeat nya kaya nag desisyon na ung doctor na iC's na ko 😩😩 Pag kadala sakin sa C's room 1hr pa bago sila nag umpisa na operahan ako 😩 1hr ko pa tiniis ung pag hilab ng tyan ko na halos di ko na talaga kayanin 😞 9:40pm nung lumabas na baby ko at thankyou kay god ndi nya pa din kami pinabayaan walang kahit anong sakit baby ko 🙏❤️ kaya sa mga mommy na ndi pa nakakaraos kaya nyo yan ☺️☺️

NORMAL NA NAGING C'S 😩
4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako nga po nagpapaschedule na lang nang cs sa ob ko kasi lagpas nako sa duedate ko ng 1day kaso na stock ako sa 1cm at still makapal padin yung cervix ko , hindi pumayag si ob na ics agad ako dahil wala naman daw reason na ics ako dahil good lahat ng result at lab ko by saturday iinduced ako pag hindi daw talaga nakisama yung cervix dun palang daw nya ko iccs 😢 andami ko kasing nababasa na naglalabor tapos ending ecs din, but btw po congrats mii, sana ako makaraos narin ☺️

Đọc thêm
2y trước

kadalasan po ksi sa mga kasabayan ko halos same lang po kami ng experience ayaw po bumaba ng mga baby namin kahit anong ire po gawin namin kaya ending CS po 😢😩 ang hirap po talaga ma cs lalo na kasabay ng paglalabor pero mi wag ka mag alala makakaraos ka din po ☺️

ganito din nangyari sakin mi. sobrang nalungkot ako kasi 10 hrs labor pero ang ending ecs pa din. buti nalang at safe kami ni baby.

2y trước

same mi. nung katagalan humihina na din heartbeat ni baby ko kaya nagdecide nalang na cs na. buti nalang talaga nakaraos na.

parehas tayo mami! 20hours ako nag labor tapos ending cs pa din kasi ayaw nya bumaba . buti nakaraos na 🙏

2y trước

Buti po nakaraos na tayo nakakadala po un hehe

Halos same story. Kaya natin 'to mi!

2y trước

grabe sobrang hirap nung time na un buti nakaraos na tayo 🙏☺️