Nakaka stress na sa totoo lang
Dito ko na lang sasabihin saloobin ko. Nakakaiyak na kakastress na nakakapagod na din. Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong ina. Wala ako naririnig kundi ang payat payat ng anak mo. Wag mo tipirin anak mo painomin mo ng painomin ng gatas pakainin mo ng pakainin kasi para d siya payat. Mga nakikita kong baby ang tataba ang lulusog. Anak mo ang payat. Tama ba ang timbang niya sa edad niya kasi ang payat payat niya tignan. Pinapabayaan mo cguro kaya ganyan.. araw araw na lang gnyan maririnig mo . Worst pa nito sariling pamilya ko pa ang magsasabi ng gnyan sa akin at gagatungan pa ng asawa ko. Matakaw naman anak ko eh. Never ko din siya tinipid sa gatas. Bakit d nalang sila maging masaya kahit na d tabain anak ko d siya sakitin. Magkasakit man ng sipon ubo isa araw lang. Masayahin at bibo anak ko . Madali siya matuto sa mga bagay bagay. By the way. 9month palang baby po ko.