Wicked Step Father

Di ko akalain, may ganito pala talagang tao. Hiwalay kami parehas sa asawa. Same situation, nagloko yung wife nya at ganun din husband ko. Naiwan sakin yung dalawang anak ko parehas babae. 7&1y/o At first, okay naman sya sa mga anak ko. Mabait din sya kahit sa ibang tao. Marami na syang natulungan mga kakilala. Kahit sino lumapit, pampa ospital, requirements, pang piyansa sa kulungan, pambili ng gamot, birthday ng barkada sagot nya. Actually sobrang hulog sya ng langit para samin ng mga bata. Dahil sobrang walang wala ako nun, asukal nalang dinedede ng 1yo ko, at nghihingi lang kami ng pagkain sa step mother ko minsan sa kapit bahay. Nung dumating sya sa buhay namin, nagaapply ako ng trabaho, sinabi nya na wag na daw akong magtrabaho kaya nya naman daw buhayin mga anak ko. Then inoffer nya lahat, lumalabas kami, pinapakain nya kami sa labas, pag uwi namin may groceries na kami ng mga bata, may totoong gatas na yung mga anak ko, may ulam at bigas na. At pambayad sa bills. Pinaramdam nya din sakin yung totoong pagmamahal na hindi naibigay ng tatay ng mga anak ko. *batugan at drug addict* After 5 months, nabuntis ako. Medyo maselan kaya minsan di nya ako pinapauwi sa bahay ko. Nanay ko nagbabantay sa mga bata. Nung nanganak na ako, pinapili nya ako : yung mga anak ko o silang dalawa ng anak namin. Nagulat ako kasi akala ko ok kami. Dun na nag start, ayaw nya daw makilala ng anak namin yung mga anak ko. minsan nya nalang ako dalhin sa bahay ko, minsan ko nalang din makita mga anak ko. Tinitipid nya na rin kami. Pag pupunta kami sa mga anak ko, marami pa kong maririnig na hindi maganda. 3 months yung baby namin, di na ulit kami umiwi samin. Di ko na nakita mga anak ko. Nagmakaawa ako sa kanya kahit yung bunsong babae nalang sabi ko. Kahit isipin nya nalang na abuloy yung mga pangangailangan nila. Lagi ako umiiyak kasi namimiss ko sila. Pano pag may sakit sila? Hindi ko manlang sila maasikaso, maipaglaba. After 1 yr Nagkaanak pa ulit kami ng isa pa. Ayaw nya ako gumamit ng contraceptives, baka daw manlalaki lang ako tulad ng asawa nya. After 2yrs, may mga barangay sa labas ng bahay na tinitirahan namin. Hinahanap ako. Kasama nanay ko at yung anak ko. Sobrang saya ko. Tagal kong hinihintay na sila mismo pumunta dito. Ang dami na ngyari sa mga anak ko. Nghihinayang ako na hindi ko sila nakasama. Napunta sila sa dswd, na stop sa pagaaral yung mga bata. After nun, napagusapan yung sustento sa mga bata, wala syang magawa kasi may mga barangay. Ang bait nya pa nga. Pero alam kong mina-manipula nya lang yung sitwasyon. 3months kaming nagsustento, medyo malaki gastos at lagi may sakit mga bata dun sa nanay ko kaya sabi nya dito nalang yung dalawa. Kinuha namin yung mga anak ko, maraming tumatakbo sa isip ko, at alam kong sa una lang sya ganito. Pero push parin atleast kasama ko na mga anak ko. Nung nandito na sila, okay naman pakikitungo nya, nakikipag biruan pa sya sa mga anak ko. Na parang bumabawi. Then saktong birthday ko, may sinabi sakin yung anak ko, hinahalikan at niyayakap sya ng step father nya. Pero bago yun, may naikwento rin sya sakin na may humahawak sa pwet nya habang natutulog kami. Pag gising nya, wala naman daw ibang gising bukod sa kanya. Iyak na kami ng iyak. Di ko alam gagawin ko. Di ko akalain ganun syang klaseng tao. 3days akong hindi makakain, 3days akong umiinom ng alak, 20 weeks pregnant nga pala ako nung ngyari yan. Nagmakaawa ako sa asawa ko na wag nya ng ituloy kung anong balak nya. Di nya daw alam sinasabi ko. Matagal kami nag usap. Paulit ulit ako sa pagmamakaawa kahit para nalang sa mga anak namin. Hintayin nya lang muna na manganak ako. Aalisin ko mga anak ko dito. Nagiging ok kami after namin mag talo. Back to normal. Ganun palagi. Tingin ko naiintindihan nya naman ako. After nun, di nya na pinansin anak ko. Di na rin nya nilapitan. Which is good. Ngayon, nilalagnat anak kong panganay, worried ako baka may dengue, kaya lumapit ako sa kanya kaninang umaga para magpaalam ipapacheckup ko kahit sa center lang. Ang dami nya ng sinabi. Ang dami nya ng sumbat. Sabi ko di naman namin siguro kasalanan na magkasakit. Nagpapaalam lang ako. Tapos nagsalita sya na kung ano man mangyari, wala na kami magagawa. Mamatay man daw anak ko, ganun talaga. Parang sinasabi nya wag na ipagamot anak ko dahil gagastos na naman sya. Nagalit ako kanina. Sabi ko, pag namatay yan, gagastos din kami, sabi nya atleast hanggang dun nalang daw yung gastos nya. Naiyak ako. Sabi ko pano kung sa mga anak mo yan mangyari? Pano kung mga anak nya yung nasa sitwasyon na ganun. Sasabihan nalang na hayaan mamatay? Wala napo kami ibang mapupuntahan ng mga anak ko, kaya hanggang ngayon nagtitiis kami dito. Kahit sa mga kaibigan ko inilayo nya ako. Masyado syang magaling mag manipula ng tao. Linawin ko din po, hindi po ako gold digger. Kaya ko rin kumita ng pera sa sarili ko. Nagkataon lang na kakahiwalay ko lang nung nagkakilala kami. Actually nung nagttrabaho ako, ako po bumubuhay sa kapatid ko at mga anak nya. Nagkataon lang din na walang wala ako at sya yung meron. Sorry ang haba.

58 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Always choose your kids over your man. I cant even imagine the pain nung panganay mong anak noong iniwan mo sila and the pain nung isa pa noong wala kang ginawa sa sinumbong nya (tho nagalit ka pero hangang don na lang ba?) . U have 4 kids to love you sapat na un para umalis ka jan at magsimula muli. Laban lang Mommy para sa mga bata. Wala silang kasalanan.

Đọc thêm

Umalis na po kayo jan momsh. Alang2 man lang sa mga anak mo na hindi sa kanya. Kung kaya mo nmn mag work dn do it for ur children. May nanay ka naman na pwd mong takbuhan. Hintayin mo pa bang may mangyari at maging huli ang lahat? Uwi ka sa nanay mo hanap ng work. Hope you make the right decision for your children. Pray 🙏 God bless!

Đọc thêm

Naku girl wag mo hintayin na kung mapano yang dalawa mong anak. Oo sabihin na nating malaking tulong siya at may anak kayo pero isipin mo mga nauna mong anak kung kakayanin ba nila magtagal sa ganyang klase ng step father. Nakoooo. Naiistress ako at naawa sainyo. Kaya mo yan mamsh! Wag ka susuko. Humiwalay ka na di yan kawalan.

Đọc thêm

Mommy sa una pa lang na panghihipo sa anak mo humiwalay ka na dapat. Kung hindi ka talaga gold digger pangatawanan nu po. Umuwi ka sa parents mo kasama mga anak mo. Dumiskarte po kayo para kumita. Kahit maging labandera patulan nu na po mabuhay lang kayo. Wag masyadong maarte para sa kapakanan ng mga anak mo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

If i were you iiwanan mo na ang ganung lalaki...iwan mo na rin sa kanya ang mga anak ninyo maliban sa 2 mong anak sa una. That is no longer healthy. Bago pa maging huli at pag sisihan mo habang buhay....let him go....anyway hahanapin ka rin ng mga anak mo sa kanya.lumapit ka rin sa dswd para maiayos ang lahat.

Đọc thêm

Mommy hiwalay mo nalang anak mo dyan bata pa cya mag kakaron pa cya ng trauma wag mo nang hintayin pa.Tutal ganyan naman cya walang pakialam.Lumapit ka sa magulang mo walang magulang ang kayang tiisin ang anak maiintihan at maintindihan ka sa sitwasyon..Ingat lagi lalo sa mga anak mo

Lapit ka kay sir Raffy Tulfo, malay mo masolusyunan yan, makawala ka sa kanya at mabigyan ka kahit konting kabuhayan para maalagaan mo pa rin mga anak mo .. Iwanan mo na yan sis, nakakatakot na yan, kawawa mga anak mo, baka maging dahilan pa yan ng pagrerebelde nila balang araw ..

naku mommy once na makanti ang anak mo, dapat nag-alsa balutan na lang kayo. tutal sabi mo kaya mo naman magwork, hanap ka ng tutulong sainyo explain mo sitwasyon na hanggang makapanganak ka lang kamo. uulit at uulit yan mommy lalot wala naman sya pagmamahal sa mga unang anak mo.

Oh, narcissist. Pinaparamdam niya sa’yo sa una na special ka, yun pala ang way niya na magustohan ka niya. Ganun talaga sila, kunwari bait-baitan sa labas pero yung totoong ugali demonyo pala. Ang hirap sabihin na Ate, lumayo kana sakanya. Hindi yan nakakabuti saiyo at sa mga anak mo

5y trước

Yes! Meron syang NPD. Last month ko lang po malaman. Wala syang nakikitang mali sa ginagawa nya. Lahat tama. Ni research ko yun. Tugma lahat sa behavior na pinapakita nya sakin noon hanggang ngayon. Ang hilig nya akong iprovoke then kapag napuno ako, sakin nya ibabato yung reaction ko. Sasabihin nya wala naman sya intensyon na magalit ako. Alam na alam nya yung trigger point ko almost everyday pinipindot nya yun. Lahat ng mali nyang nagawa sakin, ilusyon ko lang daw at gawa gawa ko lang sa isip ko. Super bait nya sa ibang tao. Pero ako na nanay ng mga anak nya, ginaganito nya. At walang masama para sa kanya sa mga ginawa nya sakin. Nakakatakot yung ganitong klaseng tao. Dapat iwasan pero paano? Lumalabas lang yung totoong ugali nila kapag na isolate kana nila. Kapag alam nilang wala ka ng mapupuntahan kundi sa kanila nalang.

Thành viên VIP

Iwanan mo na yan momshie...kawawa yung anak mo...maghirap man kayo atleast malayo sa kapahamakan yung mga anak mo...Bastos yang kalseng tao yan..walang paki alam at walang awa....Deserve mong maging malaya at maging masaya kasama mga anak mo...hayaan mo yang gago na yan...