My PCOS Story - Doctors told me - Baka hindi ka na magka-anak”

Dalaga pa lang ako problema ko na ang Monthly Menstruation. Minsan 3months, 4months, 6months and worst 9months walang dalaw. Kaya dalaga pa ko nagpatingin na ako sa OB para malaman bakit ganun? Both my ovaries my mga cyst madami. Kaya pala napaka irregular ng menstruation ko noon. I can’t forget one Doctor told me “Baka hindi ka na magka-anak” Bata pa ako noon wala din naman ako boyfriend pero napa isip padin ako. Ito ba talaga ang tadhana ko Lord? Sana naman Lord hindi gusto ko din magkaroon ng sariling pamilya kako. Kaya sinunod ko mga Ob ko noon na mag-pills para maregulate ang menstrual cycle ko. Sabi ng madami pag mataba daw kailangan magpapayat pero hindi din naman ako mataba noon. Pero syempre lubos padin ako nagpapaka healthy. Kumakain ng gulay at kahit lakad as exercise daily ayos na. Fast forward to 2007 I got married and got pregnant with my eldest Reign. Hindi ako makapaniwala talaga. Partida graveyard shift pa ang work ko nito sa BPO. Super excited kami ni hubby . Nasabi ko na lang iba ka talaga Lord ang lakas ko sayo. Salamat po , salamat. Nakatulong din sa akin malaki payo ng Doctors para ma regulate ang menstruation kaya I take them for a certain period time as prescribed. Now 2020 may 3 active kids na ako! Who would have thought? Paano kung naniwala ako noon hindi ako mag-kakaanak? Paano kung dinamdam ko masyado hindi nako mag-asawa? Paano? Kaya Momsh kung binabasa mo ito at parehas tayo ng pinagdadaanan noon. Don’t lose faith. Keep praying at si Lord lang ang makakapag sabi talaga. Pero sympre ika nga “Do your best, and God will do the rest” Do your part pa din. Make sure gawin mo ito: •Exercise Daily •Eat Healthy Foods •Get check (Iba padin nagpapa tingin para maagapan at tama ang diagnosis) •Stay positive and trust in the Lord (Kung para sa iyo para sa iyo yan momsh)

My PCOS Story - Doctors told me - Baka hindi ka na magka-anak”
4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

congrats to u mommy .. god is really good