pa'rant moms..

May cousin ako.. May 2 month old baby sila ng Misis nya. Tapos etong misis nya, nag work agad.. Eto namang pinsan ko house husband sana pero may sideline sya sa baranggay namen.. So ung baby lagi nilang iniiwan saken or sa mama nya na may inaalagaan ding bata dahil yaya sya. Naiinis ako sa girl.. Nagwork work agad wala pang 2 months ung baby kung kanikanino na nila iniiwan. Tapos ung pinsan ko parang ayaw nyang bantayan ung bata pag wala yung asawa nya lagi nyang iniiwan samen.. Minsan di na ko makakilos sa bahay.Eh 6 mos. Pregnant din ako.. Minsan naiistress ako sa baby kasi iyak sya ng iyak ang hirap nya patulugin. Ang sakin lang.. Di naman ako sa madamot.. Naaawa lang dn ako sa baby na hindi mapirmi sa bahay nila.. Parang ung bata pa yung nagaadjust skanila.. Minsan kahit rest day nung girl iiwan pa din samen kesyo may bibilin saglit.. Tapos lagi pa syang kelangang sunduin ng pinsan ko sa work eh alam naman nyang walang maiiwan sa anak nila. Parang lahat kame magaadjust skanilang dalawa. Kainis na minsan. Sorry mejo mahaba.. ✌

53 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

abusado yang gnyan tao.. tanggihan mo pede k nman mngatwiran.. isipin mo n buntis k din bka kung mpno k.. ska nung b ginawa nila yung baby ksama b nila kyo at s inyo n ipinasa pag aalaga🤣✌

wag mo sanayin, aanak ank hindi kumuha ng mag aalaga, naransana ko n yan, kung sino maiwan sa bhay ayon ang mag aalaga,. hndi nakakutuwa lalo n at may alagain din akong anak, kausapin mo sila

Kausapin mo silang dlawa na kumuha ng mag aalaga ng baby nila since may work nman si girl kesa kayo yung namomorblema sa knilang dlawa tapos tingnan tingnan nyo nalang yung yaya..

kawawa nman c baby , dpat ganian sa pag.aaLaga pa yan ng mama nia .. may sideLine nman c bOy bka pede aLaga muna c girL sa baby ska n magwork pag mejo maLaki na c baby ☺️

may ganian palang mga mommy nuh? ako sabi ko kapag lumbas n c baby kapg pwede n sya magaral bgo ko pa uuwi s province par mkapg work ako , ang sarp kaya magalaga ng baby😍

may kilala ko ganyan. ang nangyari sa anak nila until now malayo sakanila. yaya ang katabi matulog ayaw sila katabi. un ang kinilala nyang nanay ung yaya nya

Simply lng yan sis.. prangkahin mo... Kc baka iniisip nila okay lng sayo kata gnun nlng gingwa nila.. minsan need dn ntn magsalita para maintndhan nila.

Siguro nasasanay sila na may nag aalaga sa baby nya. Kausapin mo nalang na buntis ka rin dahil need mo rin ng pahinga. Wag ka ma stress momshie

kausapin mo momsh, masasanay yan akala nila okay lng sainyo... responsibilidad nilang alagaan anak nila... hindi yung ipapasa kung kani kanino

Kawawa naman sii baby...Kung ngayong sanggol palang nakakaya na nilang iwan iwanan pano pa kaya pag laki nii baby baka mas lalong mapabayaan..