🍻tAppy Father's Day!🍻
⛹️🧑💻👨Hey cool tAp dads!🤵🥷🦸 🦞🍔🌯✨tAppy Father's Day po!✨🥓🥩🍜 🔎 Comment a message for him below👇 and get 250 tAp points 🪙🪙🪙! 📢Note: Only comments made from (June 19 to 20, 2021) will get points.


Ikaw ang unang lalaking minahal ko simula nang magkamulat ako. Isa kang huwarang ama na dapat ipakilala sa mundo sapagkat ginagawa mo ang lahat para lang sa amin na mga anak mo. Naghahanap ka ng paraan para lang may maihanda at maipakain sa pamilya mo. Lahat ng hirap dinanas mo kaagapay mo si mama. Pinakita mo talaga sa amin kung paano mo kami minahal at inaalagaan. No'ng ako ay nabuntis, biglang gumuho yong mundo mo kasi nabuntis ako na walang maipakilalang ama sa pagbubuntis ko. Kinamuhian mo ako nun, pero kalaunay pinatawad mo rin nang iniluwal ko ang aking anak na lalaki. Ikaw ang tunayong ama sa aking anak, papa. Alam kong mahal mo ang apo mo. Salamat sa lahat na binigay mong pagmamahal mo sa amin na pamilya mo. Sana bigyan k pa ng marming blessings ng Panginoon. Ang bait mo kasi. Pasensya kana kung minsan pasaway ako, pero laging mong tatandaan mahal na mahal ka namin. . Happy Father's Day Papa Mario😘❤
Đọc thêm