🍻tAppy Father's Day!🍻
⛹️🧑💻👨Hey cool tAp dads!🤵🥷🦸 🦞🍔🌯✨tAppy Father's Day po!✨🥓🥩🍜 🔎 Comment a message for him below👇 and get 250 tAp points 🪙🪙🪙! 📢Note: Only comments made from (June 19 to 20, 2021) will get points.


Hi, Pa! I know all I can do for you tomorrow is to greet you a Happy Father's Day. Coz I can't be sentimental and give you a long message personally. I know you can't read this that's why I am posting this message for you. I can remember how I used to loved you as my father. How I used to tell myself that if ever I have to choose between you and Mama someday, I will choose to go with you. Pero iba pala talaga pag bata ka pa at pag may isip ka na. Nung nagkaisip nako dun ko narealized kung gaano mo nasasaktan si mama emotionally. Kahit akong anak mo ginamit mo pa para mapagtakpan ang pagdadala mo ng babae mo sa bahay habang si mama nasa abroad. Nung nabisto ka na ni mama at nagalit siya sakin dahil pinagtakpan ko siya sayo saka ko pa narealize na mali pala ang nagawa ko. I grew up na nakikita kita kung pano ka nagpakit ng nga babae mo, kung pano ka mas tutok sa mga manok mo kesa asikasuhin kaming magkapatid habang day off mo. Kaya siguro ako lumaking independent 😂❤. Tapos nung nag college ako, di ka na sumoporta sakin kasi nga nabuntis ako nung graduating palang ako sa hs. well I understand kasi nadisappoint ka sa maganda at matalino mong anak. I remember pa rin ang unang beses kitang narinig na umiyak dahil sa nanguari sa akin. at sobrang sakit nun para sakin. pero bakit kahit nung grumaduate ako nung college at napabilib naman kita dahil nakaakyat ka nnaman ng stage dahil sa medal akong nakuha, eh di mo pa rin makalimutan ang kasalanan ko? akala ko ba ok ka na kung makagraduate lang ako para di ka na mag alala sa future ko? lagi mo akong iniinsulto gamit ang kalandian ko at katangahan ko nung hs kahit more than 5 years na nangyari yun. At least ako nagsisi na at nagbago at tinama ko ang mali ko db? bumawi naman ako db? Ikaw nga kahit di ka na naging ama samin, di ka na naging mabuting asawa kay mama, dinadala mo pa anak mo sa sa labas sa bahay natin, at ni piso wala ka nang naiaambag sa bahay natin kahit dun ka naman nakatira eh wala kang narinig ni katiting mula sakin. Kasi kahit gano kalaki ang kasalanan mo din samin, ama ka pa rin namin. Ama pa rin kita. Kahit ang dami dami mo nang nagawa na ikinakasama ng loob namin ni mama pinapatawad ka pa rin namin kasi asawa ka ni mama, anak mo ko. Sariling dugo't laman mo ako kaya no choice 😂. Napapatawad pa rin kita despite of everything. Kaya kahit ano pa man ang nagawa mo at di mo nagawa para sa pamilya natin, binabati pa rin kita ng Happy Father's Day at mahal na mahal po kita Papa. Itigil mo na sana ang paninigarilyo at inom mo kahit di na ang pambababae mo kasi alam kong imposible na yun dahil may mga bunga na. Para man lang humaba-haba pa buhay mo. Kahit papano gusto kong maging mabuting ama ka sa mga anak mo sa labas dahil matanda na kmi ng kapatid ko para alagaan mo pa 😁. Responsible ka namang ama samin nung bata pa kami pero ngayon alam ko naman na sa ibang anak mo na ikaw responsable pero ok lang yun. Kasi mahal na mahal ka pa rin namin. --------- P.S. I hope this message is acceptable kasi dito ko lang naman to masasabi sa kanya. sa personal baka nasampal niya nako 😂
Đọc thêm