Please pakibasa po

Buntis po ako ngayon, yung partner ko may asawa na pero hiwalay na ng 15years pero hondi pa sila annuled. Sino po dito ung may partner na ilang years ng hiwalay sa asawa? Mabilis po ba ang process ng annulment kapag nasa 10 to 15 years ng hiwalay?#pleasehelp #advicepls #advicemommies

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Matagal na proseso po ang Annulment, at may mga certain conditions lang po. Kahit na 30yrs nang hindi nagsasama, kung hindi mameet ang conditions, hindi po pwede ma-annul ang kasal. Annulment po kasi is to make the marriage "null and void", ibig sabihin ay hindi valid ang kasal na naganap. So "swerte" na lng ng may mga legal grounds like kasal na pala sa iba, or minor pa without the necessary requirements or consent, etc. but for others usually ay "psychological incapacity" ang defense na ibinibigay nila. So kailangan nyo patunayan, with the diagnosis of a doctor, that a person is psychologically incapable of performing their duty as a spouse. Not to mention that the court will make sure that there are "no collusion" between parties. Ibig sabihin, hindi dapat sila nagkasundo na magpa-annul na lang. Parang madali lang kapag sa mga artista or politiko ang nagpapa-annul, pero hindi po talaga ito basta-basta. Make sure na lang din po na walang strong malice yung naunang asawa, otherwise baka kayo pa yung makasuhan ng adultery/ concubinage.

Đọc thêm
12mo trước

okay na po nakapunta na po ng abogado, naprocess na , possible 1year ang approval daw