Eating Advises
My bebisaur is a picky-eater. ayaw nya sa Rice, soups or Meats and Veggies . ang mas gusto nya kainin is MILK, BREADS, COOKIES AND MORE MILK. inilalayo nya yung face nya pag susubuan ko sya ng food then lalaruin lang pag nilalapagan ng food. HELP MGA MOMMIES. I admit na di ko sya nasanay sa mga solids :'( any fix? Thanks!
Ilagay po sa oras ang pagkain at snack nya mommy. Gumawa ka ng routine ng masanay siya. Kunwari paggising nya milk after 1hr breakfast. Yong usual breakfast nyo po. Pag hindi siya kakain nyan sabihin mo na next meal nya sa morning snack na mga around 10:30 o pagkagising nya sa morning nap. Don’t give cookies kasi matamis yan hindi talaga kakain yan kasi mawawalan ng gana. Try to give fruits instead. Pag-ayaw pa rin hayaan mo lang kakain yan pag nagutom. Same sa lunch at pm snack. Gawa ka ng routine ng ma anticipate nya ang susunod na mangyayari. Huwag mag bigay ng pagkain 1 hr before the big meal. Sa umpisa maninibago yan siya at maraming iyak ang mangyayari. Hayaan mo lang hindi magugutom yan. Limit din ang milk sa 16-24oz a day. Tapos introduce whole foods. No sweets, no junk foods kasi nakakawala ng gana yan. Good luck po
Đọc thêmBigyan nyo po laruan na gusto nya na hindi madalas ipagamit para maexcite tapos habang busy sya subuan nyo po pagkain gamit kamay nyo mas mabilis. Minsan hindi nya napapansin napapasubo sya kc busy sya sa laruan.
itago nyo po muna lahat ng biscuits nya. Sa meat naman himayin nyo maliit sabayan nyo sya pag kumakain o kaya laruin nyo sya habang sinusubuan paunti unti muna hanggang masanay sya
ilang taon na po ba sya?
1y7m po
Mommy of Gericho Noctis