Munting pitik sa tyan

Hi baby salamat kase nagpaparamdam ka sa akin. Nagpapasalamat ako Kay Lord kase pinagbigyan niya ulit ako. Pangarap ko makasama ka baby. Sana baby huwag mo ko iiwan, mababaliw na si Nanay non. Ikaw lang pag asa ko para magkaroon ng direksyon ang buhay namin ng Tatay mo. Pasensya ka na baby araw araw kita kausap. Excited na ako makasama ka baby. Hanggat kaya ni Nanay lumaban, lalaban ako para sayo. Baby tulog na ako, mahal ka namin ni Tatay. #mayo2023 #16weeks3days

Munting pitik sa tyan
 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời